Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang Mothers Day.
Lahat ay sabik na mabati ang kanilang ina ang iba naman ay hindi na tila ba'y isa lang itong normal na araw.
Marami akong nakikitang mga post sa facebook na pagbati sa kanilang ina. Pero ito ako ngayon, hindi ko alam kung pa'no babatiin ang aking ina.
Lalabas sana ako ng bahay para magpahangin nang hindi ko inaasahang dumating ang aking matalik na kaibigan na si Paula.
"Happy Mothers Day, tita!" bati niya sa inaakala niyang ina ko na siyang nagbukas ng pinto.
Tahimik lang akong nakaupo sa sala habang si Paula ay nagku-kwento tungkol sa kan'yang ina. Halata ang labis-labis na pagmamahal niya rito.
Naiingit ako sa kanya dahil mababati niya ang kanyang ina. Samantalang ako...
"Erica, are you okay? Is there something wrong?" pag-aalala ni Paula. Hindi ako naka-sagot kaya nasundan ang tanong niya. Ang tanong na nagpapabagabag sa akin.
"Binati mo na ba si tita?" Umiling ako sa kanyang tanong.
Lakas loob akong tumayo at pumunta sa kusina.
"Happy Mothers Day, Ate."
Sa hangin ko na lamang nasambit ang mga katagang iyon.
"A-Ate? Nahihibang kana ba?" Nalilitong tanong ni Paula. Halatang-halata ang kuryosidad at gulat sa kaniyang mukha.
"Ando'n si tita oh—"
"H-Hindi s'ya ang aking ina," putol ko sa kaniyang sasabihin.
"P-Paano? M-Magpaliwanag ka nga," pinaupo muli ako ni Paula sa kaniyang tabi.
"H-Hindi si Mommy ang aking ina. A-Ang totoo kong ina ay ang ate ko," paliwanag ko.
Hindi na muna siya nagsalita at hinayaan akong magpatuloy, "Ngunit wala na si ate. Wala na si mama. Namatay siya nung pinanganak ako," pinusan ko ang mga luhang unti-unting dumadaloy sa aking pisngi. Agad naman akong niyakap ni Paula upang damayan.
"N-Ni-rape s'ya ng kan'yang tatay. Ng L-Lolo ko..." naiiyak kong saad. Tuluyan na akong napahagulgol.
Nung bata pa ako ang buong akala ko si Mommy ang aking ina. Kasabay ng aking paglaki ay siya ring paglaki ng aking pagtataka sa galit sa'kin ni mama. Ngunit 'di no'n napawi ang pagmamahal ko sa kaniya.
Isang araw, narinig kong umiiyak si mommy sa kwarto. Pinuntahan ko siya at dun n'ya inamin na ang ate ko ang aking ina. Tunay na ina.
Napagalaman ko din na bunga ako ng isang kasalanan. Pero kahit na bunga ako ng isang kasalanan, tinanggap pa din nila ako.
Siguro'y sa akin na lamang niya naibunton ang hinagpis sa pagkawala ng kaniyang anak.
Ngunit nagpapasalamat ako dahil nawala na ang galit niya sa akin. Imbis, ibinuhos niya na lang ang pagmamahal na dapat ay sa tunay niyang anak. Sa aking mama.
@purples_minion
