I love you, mom

7 1 0
                                        


"Malandi kang bata ka!" Hablot sa buhok ko at tinulak.

Hindi na ako nakaimik. Nakita ako ni mama na may kausap na lalaki, akala niya boyfriend ko.

Hinayaan ko lang na saktan ako sa harap ng maraming tao at nang tumigil na siya ay sinunod ko na ang utos sa'kin.

"Napaka bobo mo, simpleng inuutos lang tatanga tanga ka pa!" Duro sa'king noo. Nagkamali ako ng pagbili marahil lutang ako.

"Lumayas ka rito!" Hagis ng mga damit ko sa labas at may kasama oa 'tong bag.

"Hindi ka lalayas rito ha?!" Dagdag pa niya sabay sipa sa'kin. Kahit maraming taong sumasaway sa kan'ya para lang 'tong hangin sa kan'ya.

Wala na akong nagawa kundi pulutin 'to at pansamantalang nanirahan sa kaibigan ko.

Makalipas ng ilang araw sinundo rin ako, akala ko okay na ang lahat. Hindi pa pala.

____

"Puro selpon inaatupag, wala nang ginawa buong maghapon." Kakatapos ko lang maglinis ng buong bahay nang dumating si mama at naabutan akong nagseselpon.

"Sana hindi na lang kita naging anak at pinalaglag na lang kita!" Hagis sa'kin ng mga dalahin niya.

Tatakbo na nasa ako paakyat ng hinabol niya ako sabay sampal sa'kin.

Hindi ko na kaya ang ginagawang pananakit sa'kin.

Lahat ginawa ko. I try to be her best daughter and sister but at the end it's always failed.

"Ma, sana nga hindi niyo na lang ako naging anak. Sana hindi na lang ako isinilang sa mundong 'to."

"Aba, sumasagot kang bata ka!" Sampal niya uli na nagpabagsak sa'kin.

____

"Ma, tataas ng grado ko. Top 5 nga pala ako." Abot ko ng card ko.

"Wala akong anak na bobo!" Pilas ng card sa harapan ko.

"94 lang pinakamataas mo? Gayahin mo si Elaine, top 1 ano ka ba naman ang bobo mo, dadag ka sa palamunin!"

Pilit kong pinigilan ang aking mga luha sa mga masasakt na salitang ibinabato sa'kin ni mama.

Ang taong inaakala kong pagkukuhaan ko ng lakas ay ang magbaba pala sa'kin.

"Sorry ma, ginawa ko naman ang lahat mahal na mahal ko kayo." Takbo ko palabas ng school.

Hindi ko inaasahan na may paparating na truck, narinig ko na lang na tinatawag ako.

____

"Anak, lumaban ka!" Nanginginig na tinig ang narinig ko.

Iminulat ko ang aking mga mata at sabay niyakap ang aking ina, pero hindi ko siya mahawakan.

Napagtanto ko na ang aking katawan ay sinusubukang irevive habang si mama kitang kita ko na iyak ng iyak.

Pinilit kong bumalik sa'king katawan pero huli na ang lahat.

Maayos na ako sa gan'to at hindi na ako muling masasaktan pa.

"Time of death 11:11am, namatay dahil sa natamong injury sa ulo.

@Purples_minion

One shot stories(Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon