College days finally come and it seems hard everytime when lolo and Papa wants me to get a Political Science course.
"Ayokong sundin sila Luna. Gusto kong maging inhinyera. Mas gugustuhin ko na lang lumayas sa impyernong 'yon kaysa sa tumira pa doon. Sana palayasin nila ako." umiling ako habang iniisip 'yon.
Kasama ko ngayon si Luna dito sa España Caffee. Kalalabas pa lang namin galing UST para makapagpahinga galing sa klase namin sa kabilang building.
"What? Pinipilit ka pa rin nilang magshift ng Political Science, biatch? Ano ba 'yan! Sino na naman ang sumusolsol diyan sa pamilya mo? That Marivic again?" tumaas ang kilay ni Luna.
Napasinghap ako at nagkibit na lang ng balikat. "Sino pa nga ba?"
"Kainis 'yang madrasta mo ha! Lumayas ka na lang kaya sa mansion mo at kumuha ka na lang ng condo?" suhestiyon pa niya.
Ngumuso ako. "Si Papa..."
She rolled her eyes. "Wake up biatch! Your father dosen't care about you!"
Napayuko ako. Oo at pakiramdam ko na wala ng pakialam ang Papa ko sa akin... Still. I don't want to leave him.
"Eh ayaw ka nga niyang suportahan sa mga gusto mo e. Mas pumapanig pa siya sa madrasta mo kaysa sa iyo! Ano? Kailan ka gigising Chanel? Kapag ipakasal ka na sa politiko? I don't judge your legacy ah but I can see that you will trap on this if you didn't moved out." she stated. "Your father's sympathy is not yours at all."
"I know." I sighed heavily.
Napailing si Luna. "Alam 'mong nandito lang ako, Chanel." ngiti niya.
"Thank you, biatch." I pouted.
"Gaga!" tumawa siya at mahina sinapak ako sa braso.
Nagtawanan kami bago namin napagpasyahan na umuwi. It's already 6 in the evening and as usual, our guards are here.
"Good evening Miss Chan."
Tumango lang ako at hindi na nagsalita pa. Isang SUV ang dala nila at lampas sampu ang mga guardia na sumudo sa akin. I wonder what was happening?
Magtatanong na sana ako sa guardia pero baka sabihan na naman ako ni Marivic na masyadong bida bida kaya wag na lang.
Pumasok ako sa malawak na living area bago umakyat sa engrandeng staircase. Hahakbang na sana ako ng may marinig na gulo na naman sa living area.
Dumungaw ako doon. Kapapasok pa nila lolo, Papa at Marivic sa living area, halata sa kanilang galit sila at nagkakaproblema. Well. I don't really care.
Magpapatuloy na sana ako sa pagakyat ng marinig na naman ang sigaw ni lolo.
"Putanginang batang 'yon! Ang kapal ng apog para kalabanin ako! Hindi niya ba kilala ang kinakalaban niya!? Ang kapal ng mukha para kalabanin ang isang Valientes!" umalingawngaw ang sigaw ni lolo.
"Papa! Ang puso niyo! Will you please calm down?" tinig 'yon ni Marivic.
Hindi ko narinig si Papa kaya dumungaw ako. He just staring at lolo and Marivic bago magtama ang paningin namin.
His emotion are now vulnerable and soft. Sumenyas siya sa akin na pumasok sa kwarto. I just stared at him before I left but before that...
"Atty. Rafael Rama should be killed. Siya ang magpapabagsak sa atin!" malamig na sabi ni lolo.
Atty. Rafael Rama? Siya ang papatayin ni lolo? At magpapabagsak?
The Rama shooting incident 11 years ago. Hindi kaya... Big possibility.
BINABASA MO ANG
The Law Of Love
RomanceChanel Fairen Valientes is a perfect outside but she's broke inside. She's the girl who dreamt of to be free from her families wickedness. Her life was full of pain and lies as she grow up by them. She dreamt of having a family that will love her th...