"Nag-usap ba kayo?"
Napalingon ako kay Sicji ng kinalabit niya ako. Nandito kami sa isang medyo mabukid na lugar. Sakop pa ba talaga ito ng Quezon City? Hindi ko alam pero sumunod lang ako sa mga konsehal na nauna sa akin. This place knowed as Santa La Presa, may iba pa kami na nadaananan pero hindi ko pa alam ang mga baryo dito.
"Governor! Mayor! Mabuti po at nakarating kayo!"
Nilingon ko ang komosyon sa likod ko. Nakita ko ang magkasunod na si Governor at si Mayor. They both serious and well cold.
Nabago lang ang emosyon ni Monti ng dumapo ang tingin niya sa akin. Matipid akong ngumiti, si Rafael naman ay nakatitig lang sa akin pero umiwas agad ako ng tingin.
"Sure po ba kayo Governor na maglalakad lang kayo? Maputik po dito sa dadaanan natin?" nagaalangang tanong noong isang staff na kasama namin.
"Mayor? Ayos lang po ba kayo?" tanong ng mga staffs.
Hindi na ako lumingon sa likod, inabala ang tingin sa putik na dinadaanan ko. Inayos ko 'yong cuffs at mga flyers na hawak ko.
"Shit!" halos matalisod ako mabuti na lang at nagawa ko pa na mabalance ang sarili na makatayo.
"Miss Chan? Ayos lang po ba kayo?"
"I'm fine." ngiti ko.
"Naku hija, sanay ka ba na maglakad sa bukirin na lugar? Umuulan pa naman kagabi, masyadong maputik." nagaalala na tanong ni Congresswoman Minerva.
"Okay lang po Congresswoman." inaangat angat ko 'yong paa ko na napuno na ng putik.
"Need help?" Monti offered his hand but I shook my head.
"Kaya ko na, Governor." sabi ko bago nagpatuloy.
"Malayo pa ba Gracey?" reklamo ng kasama namin.
"Malapit na po." sabi naman no'ng mga kasama namin.
"Woi Chanel! Bilisan mo diyan!" nasa malayo na si Sicji, iniguso niya si Rafael na papalapit na sa akin kaya nagmadali akong naglakad kahit napuputikan na ang dress ko. Bakit pa ba kasi nagdress ako?
Wala sa sarili akong napatapak sa isang madulas na ugat dahilan para mapatili ako dahil sa pagkakadulas. Napapikit ako. Akala ko babagsak na ang mukha ko sa putikan pero wala naman akong maramdaman. Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso sa baywang ko para hindi ako matumba. Unti unti akong napaharap.
Goodness.
"Mayor? Ayos lang ba si Miss Chanel?" nakatingin ang lahat sa amin.
"Bitaw." pumiglas ako pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin.
"Masakit ang paa mo, hayaan mo na akong tulungan ka hanggang sa makarating tayo sa may kubo." seryoso niyang sabi.
"Bitiw sabi e!" pumiglas ako pero masyado siyang malakas para pakawalan ako.
"Chan..." nagpipigil siya ng inis.
Napatingin ako sa mga kasama namin pero nakalayo na sila pati si Monti, hindi niya yata napansin na nahuli ako sa kanya kaya nagpatuloy pa rin sila sa paglalakad. Napairap ako.
BINABASA MO ANG
The Law Of Love
RomanceChanel Fairen Valientes is a perfect outside but she's broke inside. She's the girl who dreamt of to be free from her families wickedness. Her life was full of pain and lies as she grow up by them. She dreamt of having a family that will love her th...