Niyakap ako ni Sicji ng makalabas ako ng detainee room. Iginaya niya ako sa may upuan bago niya ako inalalayan na maupo.
"We'll talk to him." pang-aalo niya.
"Paano?" wala sa sariling natanong ko.
"Ang paraan lang para maging maayos ang lahat ay dapat magkasundo kayo tungkol sa mga bata. Kahit ganon na lang, para sa mga anak mo." si Sicji.
Dahan dahan akong napatango bago sumunod sa kanya sa parking lot, naabutan ko doon si Peri na nakataas ang kilay. Nauna siya sa harap dahil siya na daw ang magmamaneho.
Wala sa sarili akong napaupo sa frontseat. Umirap si Peri ng makita akong wala sa sarili. Tsk.
"Do you still love Monti? Papakasalan mo pa ba 'yon?" Peri raised her brows.
"Oo. I want him to be with me." saad ko.
Hindi na ako pinansin ni Peri ng sagutin ko siya. Ngumiwi lang siya at umirap lang sa kawalan.
Tahimik kami ng makarating sa mansion. Hindi ko papalagpasin ngayon hanggat hindi ko makakausap si Monti. Gusto ko na siyang sagutin. I am ready to marry him.
Nagpahinga muna ako saglit bago pumunta sa malapit na restaurant dito sa QC kasama si Peri. Nilingon ko ang paligid ng makita si Monti.
Akmang lalapitan ko na sana siya ng may babaeng humalik sa kanya. Natulala ako sa nakita at wala sa sariling napaupo. Naguunahan sa pagbuhos ang mga luha ko. I felt betrayed. Bakit niya nagawa sa akin 'to?
Hindi ba talaga ako kamahal mahal? Bakit palagi na lang akong nasasaktan dahil sa pagibig? Wala naman akong ginawang mali ah! Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para mahalin siya, pero bakit?
Bakit niya ako niloko kung kailan handa na akong matali sa kanya? Bakit Monti? Bakit mo 'to nagawa sa akin?
"Hindi mo siya mahal Chanel. Wag kang selfish." seryosong sinabi ni Peri.
Hindi. Hindi 'yan totoo.
Hindi ko na mapigilan ang lapitan siya. Nasa kabilang table siya kasama ang babae niya. Hahawakan sana ako ni Peri ng iniwas ko 'yon. Pinaalis ko ang luha sa akin bago sila pinuntahan.
"Anong ibig sabihin nito?" malamig na tanong ko sa kanila.
"C-Chan?"
Hindi ako umiyak sa harap niya, nanatili akong malamig na nakatingin sa kanya at sa babae niya.
"Akala ko ba nanliligaw ka?" malamig ulit na tanong ko. "Is this the way of your courting? Cheating? Too unfaithful." I stated coldly.
Napatayo si Monti at niyakap ako. Ang babae naman niya ay mabilis na tumakbo palabas ng restaurant.
"Stop." I muttered at him.
Kumalas siya ng yakap sa akin bago hinuli ang kamay ko pero bago pa niya mauli 'yon ay hinila ako ni Peri sa likod niya, nabigla ako ng malakas niya itong sinampal. Natahimik bigla ang mga taong nasa restaurant.
"How dare you to play with Chanel, Governor?" malamig na tanong ni Peri.
Hindi ako nakapagsalita sa ginawa ni Peri. Hindi nakaimik si Monti na nakatingin lang sa akin. He's stares are begging me to talk to him. Nag-iwas ako ng tingin. Ayoko siyang makausap.
"Wala kang karapatan para gawin 'yon sa akin Atty. Flores." mariin na sabi ni Monti. "Wag kang makialam dito." madilim na ani ni Monti.
"Kayang kaya kitang paluhurin sa harap ko, Gov. Wag na wag mo akong hahamunin." madilim na ngumisi si Peri.
BINABASA MO ANG
The Law Of Love
RomanceChanel Fairen Valientes is a perfect outside but she's broke inside. She's the girl who dreamt of to be free from her families wickedness. Her life was full of pain and lies as she grow up by them. She dreamt of having a family that will love her th...