Mabilis kong kinuha ang matulis na kahoy at naglalakad papunta sa isang puno ng mangga. Kung hindi lang talaga ako buntis, naku! Baka inakyat ko na ito lahat.
Napalingon ako sa paligid. Walang tao, ako lang. Baka namamasyal sila ni Sicji dito sa Hacienda nila ng pinsan ko na si Vince Alde. Nandito kami pansamantala sa San Alfonso. Sa lugar ng pinsan ko, syempre kapatid ng lolo ko ang lolo ni Vince. Oh diba? Sabi ko na e! Political dynasty ang family namin!
Wag niyo akong barahin! Share ko lang!
"Bakit ka tumatawa mag-isa Chan?" kumunot ang noo ni Vince ng makita ako.
Ngumisi ako at sinalubong siya ng yakap. "Hello Kuya Vince! You're here na? Galing ka sa planta?" I raised my brows.
"Yeah... By the way, what are you doing here?" tanong naman niya.
"Ha? Oh! Kumukuha ako ng mangga!" kinuha ko 'yong panughit ko bago sinubukan mamitas pero sobrang taas nito kaya napasinghap ako.
"Ako na Chan, I'll help you." ngumiti si Vince, kinuha niya mula sa akin ang panughit.
Siya na ang nanughit at kumuha para sa akin. I smiled widely when I saw the mangoes on the basket.
"Hala! Thanks Kuya! Andami na!" ngiti ko.
"Eat first, Chan. Makakasama 'yan sa baby mo kapag hindi ka kumain muna at inuna mo 'yan." paalala ni Vince.
"Okay! Thank you couz!" ngumisi ako bago pumasok sa loob ng mansion.
Mula sa taas ay nakikita ko ang babaeng nakasandal sa bandarilya. Maikli ang suot nitong lingerie at abala sa kung anong kinakalikot niya sa phone. Napasinghap na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad sa kusina. Probably, girlfriend siguro ni Kuya Vince o baka wife niya? I don't know.
"Oh? Hi! Ikaw siguro ang pinsan ni Vince?" may umupo sa tabi ko habang naghihiwa ako ng mangga.
"Hello! Y-Yeah! It's me!" nilingon ko siya bago ngumiti.
Ang ganda naman niya! Model ba siya? Ang ganda niya sobra! Napatingin tuloy ako sa sa sarili ko, mukha na akong kaldero sa sobrang laki! Hayst!!
"Your pretty." she complimented.
"Joke mo ba 'yan? Ang panget ko kaya!" ngumuso ako.
"Hindi! Sa totoo lang, your pretty!" tumango tango pa siya at ngumiti ng malapad sa akin.
Ngumuso ako at binaling ang paningin sa mangga bago ito binudburan ng maraming bagoong. Kumislap ang mata ko ng makita ang kinalabasan ng ginawa ko.
"Kumakain ka nito? Share tayo oh!" kumuha ako ng dalawang kutsara para makasalo siya.
"Naku haha! Maasim 'yan e. Bawal sa akin! Sayang!" napakamot siya sa ulo niya pero hindi yata siya nakatiis dahil kumuha siya ng isang pilas.
"Mishiella!"
Sabay kaming napalingon sa paparating sa amin. It was Vince! Galit na galit ang mata niya.
"Oh! Hello! Uh akala ko nagpunta ka sa planta-"
"Shut up!" singhal ni Vince sa kay Mishiella.
"Kuya? Bakit ka galit?" gulat na tanong ko kay Kuya Vince.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin at umiling lang bago hinila si Mishiella papunta sa itaas.
BINABASA MO ANG
The Law Of Love
RomanceChanel Fairen Valientes is a perfect outside but she's broke inside. She's the girl who dreamt of to be free from her families wickedness. Her life was full of pain and lies as she grow up by them. She dreamt of having a family that will love her th...