14

9.9K 102 4
                                    




Mula dito ay narinig ko ang kampana ng simbahan takda na magsisimula na ang kasal. Hindi ko matiis kundi ang umiyak na naman.


"Chanel, sinasaktan mo lang ang sarili mo." malamig na sabi ni Sicji sa akin.

"Hindi Sicji, gusto ko lang siyang makita please." pagmamakaawa ko.


Naubos bigla ang litid ng pasensya niya kaya hinarangan niya ako pero hindi ako nagpipigil.


"Kung ayaw 'mong sumama Sicji edi wag! Pwede ba sa ngayon hayaan mo muna ako? Maawa ka naman sa akin! Ako na lang 'yong pupunta! I can drive!" mabilis kong kinuha ang susi ng kotse at dumiretso sa garahe.


I want to be with him. If he give me a chance to prove myself I will! I love him! Ganon ko siya kamahal e. Mahal ko na siya eh!


"Ang tigas ng ulo mo Chanel! Sabi ng hindi e! Hindi ka pupunta doon!" saway ni Sicji pero hindi ako nakinig. Gusto ko siyang makita.

Nagdrive na ako papunta sa St. Jude Parish Cathedral kung saan gaganapin ang kasal. Hindi na bali ang masaktan ako, tatanggapin ko 'yon kung para sa akin talaga iyon.


Hininto ko ang kotse sa di kalayuan bago tumakbo papunta sa bukana ng simbahan. Mas lalo akong napahikbi ng makita silang masayang dalawa habang nagpapalitan ng singsing.


Rafael was holding on Luna's hand while he stared at her full of love and adoration. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ni Luna, pilit lang ang ngiti niya.


He's dream was coming true. He dreamt of her everyday, he dreamt of her being his wife.


Natutop ko ang bibig ko para pigilan ang hikbi habang nakasilip sa kanila na kinakasal. Marami ang tao at mga media. They are very happy of the marriage between the two.

Gusto kong maging masaya para sa kanila pero hindi ko magawa.


"Ang tanga tanga mo Chanel, matalino ka pero sobrang bobo mo sa part na minahal mo siya at ngayon ay nagpakamartyr ka." seryoso ngunit sagad sa buto na sabi ni Sicji sa likuran ko.

Hindi ako umimik. Nanatili akong umiiyak habang nakatanaw sa kanila.

"Umalis na tayo Chan." hinawakan ako ni Sicji pero agad akong umiling.

"Hayaan mo muna ako please? Kaya kong mag-isa." tumalikod ako sa kanya at mas lumapit pa doon.


Tears are still pooling in my eyes. Kung pwede lang sanang makalimot ang puso edi sana ayos na ako, pero ang hirap pala n'on.


Hindi na ako sinundan ni Sicji. Nakita ko siyang papunta sa kotse niya. I don't care anymore if they left me. Paunti-unti na akong nasasanay na laging naiiwan.


Napagpasyahan kong magtago sa mga halaman sa simbahan ng matapos na ang kasalan. Marami ang mga mayayaman ang dumalo. Masayang masaya ang lahat higit na masaya si Rafael na hindi inaalis ang tingin kay Luna.


He's inlove with someone else.


Gusto kong magmakaawa na sana ako na lang. Na sana ako na lang ang piliin niya.

Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng ulan sa balikat ko. Wala akong pakialam kong makisabay o makiramay ang ulan sa akin! Oh! Baka nalulungkot din ang ulan sa pagpapakatanga ko?


Ang tanga ko kasi e.

Niyakap ko ang sarili ko ng magsimula na ang malakas na ulan. Unti unti na silang naglaho sa paningin ko.

The Law Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon