12

5.3K 57 1
                                    



"Okay ka lang ba talaga?"

Napalingon ako kay Luna na nagaalalang nakatingin sa akin. Napasinghap ako bago tumango.

"Okay lang." tumango ako.

"Is it because of the case?" she murmured sadly.

Oo nga pala, bukas na naman ulit ang final trial. Muntik ko ng nakalimutan 'yon.

"Alam mo teh, wag kang palaging strez! Baka mawala ang beauty mo!" umiling si Sicji na ikinangiwi ko.

"Hindi naman, may naisip lang." wala sa sarili kong bulong.

"Oh? Sino naman 'yan aber? Crush mo ba 'yan?" tumaas ang kilay ulit ni Sicji.

"Huh?"

"Sino naman 'yan? Kwento ka dali! Kahit konting clue lang!" makulit na sabi naman ni Luna.

Napangiti ako bago bago nagkwento sa kanila. Matapos ang kwentuhan namin ay dumaan ako dito sa office ni Rafael, napansin kong wala si Lyn kaya akmang papasok na sana ako sa sa office niya ng matigilan ako sa nakita, mukhang wrong timing yata ako.

Naabutan ko kasi si Rafael at Luna na nagyayakapan. May relasyon ba sila? Bakit hindi nagkwento si Luna sa akin?

"Ma'am!" natatarantang lumapit si Lyn na akin at sinirado ang pintuan ng office ng boss niya.

Naestatuwa ako sa kinatatayuan ko. Sila na ba ni Luna? Bakit hindi man lang sinabi ni Rafael sa akin na si Luna pala ang gusto niya?

Sabagay sino ba naman ako diba? Wala lang naman ako e. Bakit ba kasi nagaasume ako masyado e.

I feel betrayed. Hindi man lang ako sinabihan ni Luna.

"Ma'am? Wag ka 'pong umiyak, umupo ka po muna kukuha ako ng-" I cut her off.

"Nah, It's fine! Aalis na ako!" pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya bago ako umalis doon.

"Miss Valientes!"

Nagmamadali akong umalis sa firm na 'yon. Namimilibis ang luha ko ng palabas sa office nila.

"Chanel! Wait!"

Nanlalabo ang paningin ko ng makita si Sky sa harap ko, gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Shit!

"Chan! Mainit dito! Sa bench tayo dali!" hinawakan niya ako pero iniwas ko 'yon.

"Sky..." hikbi ko.

"Chan? Are you okay?" nagaalala siyang lumapit sa akin.

Hindi ako tumigil sa pagiiyak hanggang sa kinabig niya ako para mayakap. Naninikip ang dibdib ko ng makita sila ni Luna at Rafael na masayang nagyayakapan. I sense everything. Nakita ko sa mga mata ni Rafael na mahal niya ang babaeng niyayakap niya. Pakiramdam ko ay masyado lang akong assuming dahil sa kanya ako nakatira pero hindi...

Ang sakit pala. Ang sakit pala na ang taong mahal mo na may mahal ng iba.

Bakit ngayon lang Rafa? Bakit ngayon 'pang narealize na mahal na kita ay ngayon mo pa isasampal sa akin na may mahal ka ng iba? Ba't ang sakit sakit?

Sana narealize ko agad ang nararamdaman ko sa'yo, baka sakaling piliin mo rin ako. Naalala ko bigla ang sinabi ni Luna sa akin, ikakasal na siya pero hindi si Sky...

Si Rafael ba 'yon? Bakit hindi niya sinabi? Bakit siya naglihim sa akin? Akala ko ba bestfriends forever!?

"Hush... Tama na Chan, wag ka ng umiyak." naguunahan na din sa pagbuhos ang mga luha ni Sky.

The Law Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon