07

4.6K 60 0
                                    

Hinaplos ko ang lapida ni Mama bago nilagay ang cented candle sa tabi ng puntod niya. I miss her. I really miss my Mama.

I fold my hand into fists. Pangako, Mama. Magbabayad ang taong may gawa sa'yo nito. Magbabayad si Marivic sa lahat ng ginawa niya sa'yo at sa akin. Pangako ko 'yan sa'yo Ma.

Marahas kong pinunasan ang mukha ko gamit ang kamay ko. Ipapangako ko sa sarili ko na magbabayad ang dapat magbayad.

Umuwi ako sa condo unit ni Rafael. Nawalan agad ako ng ganang kumain ng magtanghalian na at nanatili lang sa kwarto buong maghapon. Iniisip ko kung bakit ganito ang kinalalabasan ng buhay ko.

Bakit hindi man lang alam ni Papa na si Marivic ang pumatay kay Mama? Wala ba talaga siyang alam sa mga nangyayari o alam niya pero dahil sa mahal niya na si Marivic ay hinahayaan na lang niya ito kahit pinatay nito si Mama.

Walang hiya ka Marivic. Ipapangako kong pababagsakin kita.

Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Bakit ba nangyayari 'to? Ipinanganak ba talaga ako para umiyak at maghinagpis? Sobrang nakakapagod na.

Siya ang pumatay sa Mama ko at sa mga magulang ni Rafael. Hindi lang sila ang pinatay niya kundi madami pa. I can justify my evidence if they will make me there witness pero kailangan kong bumalik sa mansion dahil nandoon lahat ng ebidensya na magtutumbok sa kanila.

Logbook

Video

Camera

Recorded footage

And lastly...

USB

Naglalaman 'yon ng mga karagdagang impormasyon. Lahat ng nasa USB na 'yon ay ang mga taong pinapatay nila at ang kanilang mga assets at liabilities na nakuha ng mga Valientes.

I need help. Kailangan kong humingi ng tulong kina Skyler at Sicji.

Itinext ko sila ni Sicji na magkita kami dito sa minihouse ng subdivision nila dito ni Rafael. Kailangan namin makuha ang evidence na makakapagtumbok sa kanila. Gusto kong pagbayaran nila lahat ng ginawa nila sa Mama ko maging sa mga taong sinaktan at pinahirapan nila. They deserve to rot in jail.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" si Sky.

Umiling ako. Nandito sila. Gusto ko sanang sabihan si Luna pero baka may ginagawa siya at ayaw ko siyang distorbuhin sa ginagawa niya.

"N-Nalaman ko na... Si Mama... She was killed." naguunahan sa pagbuhos ang mga luha ko. "Hindi ako makapaniwala Sky na maaaring alam ni Papa pero pinabayaan niya lang..." humikbi ako.

"Sure ka ba diyan, biatch? Baka walang alam ang Papa mo sa mga nangyayari?" tanong naman ni Sicji.

"I want them rot in jail. K-Kapag nalaman ko na kasali si Papa, hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya sa pagkawala ni Mama." I fold my hand into fists. "I won't never forgive them."

"Biatch, calm down! Anong plano natin ngayon?" nagaalalang tanong naman ni Sicji.

Binalingan ko si Sky na tahimik lang sa isang tabi. I have a plan. Papasukin namin ang bahay namin.

"Kukunin natin ang ebidensya sa mansion namin. I need to give it all evidence to Rafael to file a case against them. Hindi sila makukulong kapag walang malakas na ebidensya. They run in politics. Mahirap kalabanin ngunit wala na akong pakialam doon. I want justice. I want to justify there actions towards the verdict." malamig na sabi ko.

"Si Marivic ang pumatay kay Judge Filomena Valientes?" seryosong tanong ni Skyler.

Nilingon ko siya. "Oo. Noon akala ko aksidente lang." humikbi ulit ako.

The Law Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon