03

4.9K 75 38
                                    

"Wait!"

Napalingon ako kay Luna papunta sa akin, hinihingal pa siyang napalapit sa akin dahil sa pagtakbo niya.

"Saan ka? Uuwi ka na?" kumunot ang noo niya.

Nilingon ko ang paligid bago bumaling sa kanya. "Naghahanap kasi ako ng interviewee... Ahm... A lawyer." napakamot ako sa ulo ko.

"Para saan? Thesis ba?" inakbayan niya ako habang naglalakad kami.

Napasinghap ako. "Oo."

Magsasalita na sana siya ng may humintong Vios sa harap namin. Bumungad mula sa amin ang nakashades na lalaki. Kumunot ang noo ni Luna ng makita ang bumaba.

"Hi Sky!" kumaway ako.

"Hello Chanel! May lakad ba kayo ni Lun---" Luna cut her off.

"Yes! And were finding a lawyer. K bye." umirap si Luna bago ako hinila papunta sa restaurant.

"Hey wait! Sasama ako!" si Sky.

"Diyan ka lang!" singhal ni Luna.

"Huh? Bakit?" sumunod siya sa amin.

Galit ba sila sa isa't isa? Bakit sila nag-aaway?

Kumunot ang noo ko kay Luna habang hinihila niya ako papunta sa Shakeys, nakasunod pa rin si Sky sa amin.

"Nag away kayo?" gulat na tanong ko.

"Tsk. Wag mo na lang siyang pansinin." bulong sa akin ni Luna.

Nagkibit na lang ako ng balikat bago umupo sa tabi niya. Nakasunod na rin si Sky sa amin at nandoon naman siya sa kabila katabi rin si Luna.

"What brings you here Skyler? Do you have class right?" Luna raised her brows.

"Luh. Bakit alam mo ang schedule ko Louisse? Are you stalking me!?" ngumisi si Sky habang nakatingin kay Luna.

"Excuse me? Your so full of your self man, you are not my type!" Luna histerically said.

Ngumuso ako. Ewan ko talaga sa dalawang ito. Wala namang label pero grabe sila mag away, nahiya ang magjowa.

"Dito ka muna Chanel, sasamahan ko si Sky mag order." inis na baling ni Luna sa akin.

"Teka! Ayoko Luna----"

Magsasalita pa sana siya ng hinila na siya ni Luna palabas. Akala ko ba mag oorder sila? Bakit lumabas sila?

Napasinghap akong napatingin sa pintuan ng Shakeys ng may isang pamilyar na bulto ng lalaki ang pumasok mula doon. May kasama siyang babaeng celebrity na nakita ko na sa magazine at social media. Goodness! I didn't see it coming!

Kinakabahan akong kinuha ang menu bago tinakpan ang mukha ko ng napagdesisyunan nilang umupo sa kabilang table malapit sa amin. The fuck? Bakit ba ako nagkakaganito? Weired.

"Biatch? Okay ka lang?" gulat na tanong ni Luna na nakaupo na ngayon sa harap ko. Natabunan na niya ang table sa harap namin.

Napasinghap ako. Shit! Ano ba ito Chan!? Bakit ka nahihiya sa kay Attorney? Dahil ba sa nagawa mo noong isang araw?

"HOY!"

Napatalon ako sa gulat ng sinigawan ako ni Luna sa mukha. Oh!

"Anyare sa'yo?" ngumiwi siya.

"Naisip ko lang 'yong uh... Interview." wala sa sariling sabi ko.

Oh hell! The effin interview!! Saan ako maghahanap ng maiinterviewhan?

"Alam mo, problem solved ko na 'yan biatch. Kakausapin ko na lang ulit si Attorney Rama para intervie---" I directly cut her off.

"Ay wag na lang! May mahahanap pa siguro ako." napaiwas ako ng tingin.

The Law Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon