08

3.9K 54 0
                                    

"Chan? Uuwi ka na ba?"

Nilingon ko si Sicji na nagaalalang nakatingin sa akin. Si Skyler naman ay abala na sa mga ebidensya na nakalap namin, napabaling din siya sa akin.

Dahan dahan akong tumango. "Oo. Ihahatid ko kay Rafael ang files na nakuha ko." binalingan ko si Sky. "May copy ka na ba nito?"

"Yeah. I have." he nodded.

"Sige. Aalis na ako." paalam ko sa kanila.

Nagmadali akong nagcommute pauwi sa subdivision ni Rafael. Umuwi na kaya siya? I hope so.

"Raf, I have something to tell-" he cut me off.

"Busy ako." malamig na sabi niya.

Napasinghap ako. Galit siya.

"Attorney Rama, makinig ka sa akin. This is not the time that you'll open that agruement again. Please. Give me a minutes." I pleaded.

Malamig niya akong binalingan bago siya tumalikod sa akin. "Fine then talk."

"Rafael--- I mean Attorney Rama. I just want to apologized what happened 10 years ago..." I sighed heavily.

Galit niya akong binalingan bago nag-iwas ng tingin. "Alam kong alam mo ang nangyari sa mga magulang ko, Valientes. You are the witness of my parents death but instead of telling the court about the truth, you denied it! You choose to be at your parents side even if they are criminals! At dahil doon ay isa ka rin sa mga kriminal! Wala kang pinagkaiba sa kanila!" pangaakusa niya.

Kusang tumulo ang mga luha ko. How dare he too...

"Are you accusing me!?" I sob as I stared at him.

Wala naman akong kasalanan, bakit ako nasali?

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"I saw you... Ikaw ang bata na 'yon Rafael. I-I was afraid to tell the truth cause I know that Marivic will kill my father! Naiintindihan mo ba 'yon!? Nakita ko 'yon Raf! Nakita ko 'yong pagpatay sa mga magulang mo! At ngayon ay handa na akong maging witness para makulong sila! I-I'm here to..." I bit my lower lip to not sob. "I-I'm here to give this..." nilapag ko ang USB sa side table. "Evidence."

Bago pa siya magsalita ay tumalikod na ako. I don't wanna hear things that will hurt me more.

He accused me as a criminal because of my family background? Hindi ko siya masisisi dahil ang pamilya ko ang dahilan ng pagkawala ng pamilya niya.

Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko agad 'yon ng makitang si Luna ang tumatawag.

"Luna? Napatawag ka?" naupo ako sa kama habang hawak ang cellphone sa ere.

"Biatch! Hello! Makakapunta ka ba bukas? It was Sky's birthday! Nakalimutan daw niyang sabihin sa'yo! It will be held on a exclusive bar. See you there!" maligalig na sabi ni Luna bago naputol ang tawag.

Kumunot ang noo ko, hindi man lang niya ako pinagsalita. Walanghiyang babae!


Napasinghap ako bago ibagsak ang sarili sa kama. Mas mabuting ipahinga ko na lang ang isip ko at baka magkasakit pa ako kapag lagi kong naiisip ang sinasabi ni Rafael.


Kinabukasan ay nakita ko si Rafael sa dinning area, babati na sana ako ng maalala kong galit pala siya sa akin at galit din ako sa kanya. Edi fine! Akala mo naman kung sinong gwapo na hindi namamansin! Che!


Dumiretso ako sa gym at hindi na nagumagahan. Ayoko munang magkita kami at baka mabugahan ko siya ng apoy at baka umiyak na naman ako sa harap niya na parang tanga.


The Law Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon