17

7.6K 78 1
                                    





It's been years since I gave birth to the twins. Sa simula ay hirap na hirap talaga ako hanggang sa paunti unti ay nakakabangon ako at nakakapagtapos ng pagaaral sa course ko. Matagal na din simula noong umalis kami sa Manila at namalagi dito sa San Alfonso.


"Mommy! Mommy! I have a star!" Raia runs towards me followed by her twin.



"Talaga? Patingin nga!" napangiti ako ng inabot niya ang kamay niya para makita ko ito.



"Ang galing naman ng baby ko!" ngiti ko bago binalingan si Rain na tahimik lang sa tabi ni Raia.



"What's wrong sweetie?" I asked sweetly.



Noong baby pa lang si Rain ay hindi ko siya pinapalapit sa akin hanggang sa lumipas ang mga buwan na gusto ko siyang makasama. He's my baby. Ang anak ko.


Nanatiling hindi nagsalita si Rain, lumapit lang siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. I wonder what's wrong?



"Mommy, inaway kasi siya ng classmate namin. Sinabihan kasi kami na walang Daddy." sumbong ni Raia.


Napasinghap ako ng marinig ang paunting hikbi ni Rain. Pansin ko sa dalawang anak ko na si Rain ang pinakaiyakin kaysa kay Raia. Namana ni Rain ang physical features ng Daddy niya samantalang ang paguugali niya ay nasa akin, si Raia naman ay nagmana sa akin pero ang ugali niya ay nasa Daddy niya. Hindi kasi siya nagpapatalo. Napaka-competitive.


"Nasaan po ba talaga ang Daddy namin My?" kumunot ang noo ni Raia.


"May family na po ba ang Daddy namin My? Kaya wala siya sa atin at hindi niya kami love?" ngumuso si Rain.


"Love kayo ng Daddy niyo." ngiti ko.


"Paano po ikaw My? Love ka din niya po diba? Kasi sabi ng teacher namin ay dapat love ni Daddy si Mommy kasi po hindi naman po makakabuo ng baby ang Mommy at Daddy kung hindi naman nila love ang isa't isa." hinawakan ni Raia ang pisngi ko at dinampian ng halik.


Hindi ako nakaimik sa sinabi ng anak ko. Paano ko sasabihin sa kanila na hindi naman talaga kami nagmamahalan ng Daddy nila? Na lasing kami ni Rafael ng gumawa kami ng muriemmuriem? Shit! Nakakainis! Hindi sa hindi ako naka-move on ha! Basta mahirap talaga i-explain pagdating sa kambal.


Iniba ko agad ang usapan at hindi na pinagusapan 'yon. Dinala ko sila sa playroom bago pumunta sa kwarto ko. Tinawagan ko si Sicji, nasa Manila siya ngayon dahil sa convention niya. Sigurado ako na natapos na ang meeting niya ngayon.


"Hello! Wazzup!" maligalig niyang salubong sa akin sa kabilang linya.



"Hello Sicji!" sagot ko naman.



"Kamusta ang kambal? Makulit ba?" tanong niya.



"They are fine." nagaalangan na sagot ko.



"Oh? May nangyari Chan?" nag-iba bigla ang tono niya.



Napasinghap ako. "Si Rain at Raia kasi, nagtatanong na naman sa Daddy nila." napahilot ako sa sentido.



"Hmn? Ganon? Sabihin mo patay na ang Daddy nila para hindi na sila magtanong." iritadong tinig niya.


"Sicji!" banta ko.



"Okay! Okay fine! Sige sabihin mo na lang na may work and Dad nila para sa future niyo para hindi ka na guluhin ng mga chikiting na 'yon." ani ni Sicji.



The Law Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon