23

7.5K 66 12
                                    






"Flowers delivery!"




Napalingon ako sa pinto ng opisina ng pumasok mula doon si Sicji na nakangiti, si Peri naman ay umirap lang.




"Cliché." she whispered.




"Alam mo masyado kang pakialamera Miss Natasha!" si Sicji naman.



Napapikit ako at napahilot sa sentido. Again. Nagsisimula na naman sila. Kailan kaya sila titigil?



"Peri?" napatingin ako kay Peri na umupo sa harap ko.




Nilapag niya ang invitation letter sa table ko. Kinuha ko 'yong letter. Hmm. Victory party 'to ah? Magpaparty ba si lolo dahil sa nanalo kami?




Oo nga pala. We won the election. Well, the influence made us win. Magagaling din kasi ang mga politiko na kasama ko.




"Vice Mayor Chanel Valientes. Your invited!" ngumisi si Peri sa akin.




"You organize the party?" I asked Peri.




"Duh? Anong akala mo sa akin? Organizer!? Omygosh! I'm a lawyer and not a fucking secretary!" she said histerically.




"Pwede mo naman sagutin si Chanel na hindi ikaw ang nag-organize! Andami 'mong kuda!" pambabara na naman ni Sicji.




"Argh! Goodness! Nakakainis ka talaga Sicji!" umirap siya.




"Nakakasira ka ng araw, alam mo ba 'yon!?" si Sicji na naman.




"I'll gonna go na! Bye Vice Mayor!" kumaway na siya bago lumabas, hindi na niya pinansin si Sicji.




Napabuntong-hiniga ako at tinignan si Sicji na nakangiwi ngayon. Naiinis talaga siya kay Peri. Ewan ko sa dalawang 'to.




Dumapo ang tingin ko sa mga bulaklak na nakalapag sa office table ko. Napangiti ako at niyakap 'yon.



"Mahal mo na ba si Monti?" nananantiya ang tingin ni Sicji sa akin.



Nilingon ko siya. "I like him."




"Di mo mahal?" tinaasan niya ako ng kilay.




"Nagsisimula pa lang kami, Sicji. Expected na hindi pa ganon kalalim ang nararamdaman ko." paliwanag ko naman.




"Hindi ba katulad ng nararamdaman mo kay Rafa noon?" lumapit siya para magkausap kami.




"Magka-iba sila. Hindi ako kumukumpara." sabi ko.




Napasinghap ako bago inayos ang mga gamit ko. Kailangan kong pumunta ng mall ngayon para makabili ng mga gagamitin pang-opisina. Mabilis akong umalis sa opisina kasama si Sicji.




"Mamaya ba ang party? Magkikita kayo ni Monti?" si Sicji.




"I'll text him." napatango ako.




Pumasok kami sa may botique at binili ang mga kakailanganin ko bago napagpasyahan namin na kumain sa fastfood section.



"Wag na lang tayo dito Chan." si Sicji na parang may tinatakasan ng hinila niya ako.




"Teka!" kumunot ang noo ko.




"Chan! Alis na tayo!" hinila niya ako pero hindi ako nagpapigil.




The Law Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon