29

7.8K 64 19
                                    



Ngumiti akong napalingon kay Sicji ng makita ko siya. Kasama na naman niya sila Peri, Sky at Luna. Ngumisi si Luna na lumapit sa akin bago ako niyakap.

"Gosh! Ano? Nagkabalikan na ba kayo ha?" salubong agad ni Luna sa akin.

"Omg! Talaga? So church wedding na diz?!" excited na tumalon talon si Peri.

Napakunot ang noo ko sa kanilang dalawa ni Luna. Nananantiya akong tinignan ni Sicji, ngumisi naman si Sky bago nagpaalam na kakain sa kusina. Akala mo naman hindi mayaman kung makakain dito. Wala na silang pagkain sa bahay nila? Dejokelangs!


"Nasaan na pala ang hubby mo?" tanong ni Peri.


"Bakit mo tinatanong? Crush mo 'no?" tumaas ang kilay ni Sicji.


Sinamaan siya ng tingin ni Peri bago siya hinampas ng throw pillow. "Duh? Incest kaya 'yon! Pinsan ko 'yan gago ka!"


"Aray naman Natasha! Ang sakit ha! Leche ka! Sinabi ko lang naman na crush mo si Rafael kasi kung ganon nga e may magseselos!" umirap si Sicji.


"Huh? Sino?" kumunot ang noo ni Peri.


"Si Monti?" kumindat si Sicji.


"Yuck!" tinulak ni Peri si Sicji dahilan para maipit din ako.


"Mga walanghiya kayo! Ang sakit ng kamay ko oy!" reklamo ko pa.


"Mas gugustuhin ko pa ang iba kaysa sa maharot na 'yon! Isang malaking pwe!" dumura pa si Peri sa sahig dahilan para matampal ko ang kamay niya. "What now Chanel!? Kokontra ka din ha!? Pasalamat ka nga at kayo na ng pinsan ko! Niligtas ko ang buhay mo sa playboy na 'yon!" panunumbat pa niya sa akin.


Kumunot ang noo ko sa kanya. "Tinampal kita kasi ipalilinis ko 'yang laway mo! Ang dugyot 'mong babae ka!" tinulak ko siya papunta kay Sicji.

"Aray! Puta kang babae ka ha? Iniissue mo pa talaga ang precious kong laway!? E malinis pa 'yan sa inaakala mo!" bulyaw niya pa sa akin.

Ngumiwi ako bago naupo sa tabi ni Sicji na abala sa pakikipagaway sa kanya. Si Luna naman ay nagpaalam na muna para sundan si Sky sa kusina. Nagutom daw siya kaya hinayaan na namin siya na umalis.

"So? Okay na kayo ni Rafa?" Peri raised her brows.


"Nagkausap na kami," suminghap ako

"Tapos ano? Ayos na kayo? Mahal ka niya?" pang-iintriga ni Sicji.


"Syempre..." nagkibit ako ng balikat bago tumingin sa kanila. "Hindi!" diin na sagot ko.

"Tss. Martyr." bulong ni Peri sa kawalan.


"Know your worth Chan, dapat kasi hindi lang puso natin ang pinapagana e! Gamitin mo naman ang utak mo kahit paano! Pwede ka pa naman sigurong makawala kay Rafael hindi ba? Kasal lang naman kayo sa papel! Hindi naman talaga sa puso..." Sicji trailed off.

"Alam mo, Sicji? Minsan talaga ay gusto na kitang sakalin. Nasobrahan na 'yang bibig mo sa pagkapasmado ah! Nakakainis!" maktol ko bago siya irapan.


Isampal ba naman sa akin na hindi ako mahal ni Rafael? Kainis ang baklang 'to ah! Ang sarap niyang tadyakan.

"Ew! Kapag ako magmahal duh? Ayokong ako ang maghabol 'no! I want a man who will chase in me, I want a man who will protect me, see my worth and ofcourse he'll make me his top priority." proud na proud na saad ni Peri sa amin.


The Law Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon