10

4.3K 60 3
                                    


I was taking a back of what happened yesterday. Maraming nangyari, isa na din ang problema ngayon ni Luna tungkol sa pagpapakasal kuno sa fiancee niya. Matapos ang usapan na 'yon ay hindi na kami nagkausap ulit, I wonder what's going on with her now? Ayos lang ba siya?

I wear simple black spaghetti top with a black pencil skirt. I let my hair fall from my back before I do make ups and some stuffs. Napabuntong-hiniga ako bago lumabas ng kwarto.

Bumaba ako sa living area dala ang bag, naabutan ko doon si Rafael na nagkakape sa kabisera. Aalis na ba siya ngayon?

"Attorney, aalis ka na ba? Pwede 'bang sumabay sa'yo?" I asked politely.

Binaba niya ang tasa ng kape niya bago ako hinarap. His cold stares at me makes me tremble. Is he always mad at me?

"Okay." he said coldly.

Napanguso ako. Sana ay mahanap niya ang kapatawaran niya sa pamilya ko. Alam kong mahirap magpatawad dahil sa ginawa ng pamilya ko sa kanya. It was really hard for me too. Marivic killed my Mom, she hurt me not once but trice even if that happen, I know to myself that I will find it someday. Hindi ngayon, hindi bukas, maaaring sa panahon na naghilom na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Naiintindihan ko si Rafael kong ganito siya makitungo sa akin dahil sa step mom ko. Galit ako kay Marivic ng sobra pa na inisip ko na patayin na lang siya at gaya ng ginawa niya sa Mama ko ay dapat mangyari din sa kanya ang lahat pero kahit ganon ay handa akong magbigay ng isa 'pang pagkakataon sa kanya. Kailangan niyang pagbayaran lahat ng mga kasalanan niya sa kulungan, dapat niyang harapin at pagsisihan lahat ng ginawa niya pero kapag hindi pa rin siya magbabago ay...

Hindi ko na alam ang magagawa sa kanya. Maaaring hindi ko na siya mapapatawad pa kapag may saktan na naman siya sa mga mahal ko sa buhay. I can offer myself just don't let them hurt. Ayokong masaktan sila gaya ng nangyayari sa akin ngayon.

I was hurt, physically, mentally, emotionally. Walang nakikinig sa akin kundi ang aking sarili... Biktima lang din ako... Wala akong kasalanan.

"Chanel?" Rafael hold my wrist.

Muntikan na akong matumba ng makita siya sa likod ko. What is he doing at my back?

Napasinghap ako ng maramdaman ang pamimilibis ng mga luha ko. I want to prove and convinced Rafael that I didn't do it with my family, that I am not one of them.

"Rafa, makinig ka." hinarap ko siya at hinawakan ang magkabilang kamay niya.

"Chanel, what is it?" he frowned.

"Ayokong maisip mo na kumakampi ako sa pamilya ko noong mga panahon na naghahanap ka ng hustisya sa mga magulang mo. Natakot ako kaya hindi ko masabi lahat. I'm sorry. I'm sorry as lahat. Just please let me make it up to you, I-I am willing to be a witness of your parents case. Just please h-help my bestfriend for my mother's case a-and..." I sob as I bit my lower lip. "Don't be mad... W-Wala akong kasalanan... Wala akong alam." nanghihina akong humikbi habang hawak siya.

"I will." he said with finality before hugging me."I understand. I'm sorry. " he's eyes are out of emotion.

I know he still mad at me. I feel it.

Napuno ng tao ang loob ng korte ng magsimula na ang rites. Katulad noon ay maraming politika at abogado din ang dumalo dahil sa kaso. Maraming petition ang natanggap galing sa mga taong naagrabyado ng pamilya ko. Kasama doon ang mga pinapatay nila at mga ninakawan.

The Law Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon