25

7.7K 80 12
                                    





"Aalis ka na?"



"I have to. See you around." matipid akong ngumiti. "I'm sorry for Rain's behavior. Don't worry, ako ang sasagot sa medicals ng anak mo." I said concernly.




"Nah. It's okay. Ako na. Nagsorry na naman si Rain kay Lindsay e." aniya.



Ngiti lang ang isinukli ko. Kung siguro ay bestfriend pa rin kami, pwede na mag-usap just like before pero ngayon, hindi na. Yes, she's my bestfriend but we now turning in different worlds. Hindi tulad noong dati.



Nag-usap lang kami ni Luna bago ako nagpaalam na aalis na kami. Sila naman ay umuwi na. Sabay lang kaming pumunta sa parking lot. I wonder if Rafael didn't pick them? Masyado yata siyang abala sa trabaho niya. Paano naman ang anak niya? Hayst. Bahala sila.




Kinabukasan ay inayos ko 'yong duffel bag ko ng namataan si Sicji na nakatayo sa hamba ng pintuan ko. Nakataas ang kanyang kilay.




"Did you meet Luna?" she frowned.




"Uh yeah? I meet her. Sa school." I mumbled.




Nakita ko ang pagirap ni Sicji sa akin. Napanguso ako. Hindi ko talaga alam kung bakit galit siya kay Luna, probably dahil sa pagpapakasal ni Luna kay Rafa.





"May medical mission kami sa sitio Dela Santa sa Tagaytay. Kailangan kong pumunta doon." sabi ko.





"Oh? With Mayor Rafael Rama?" she raised her brows.





Tumango ako at tinutuk ang paningin ko sa duffel bag ko na gagamitin. Uuwi din naman kami kinahapunan kaya sasama ako para makatulong sa kanila. Nagpaalam muna ako sa kambal bago ako umalis.





Kinuha ko 'yong coat ko bago ako umalis papuntang tagaytay. Umuulan at medyo kumikidlat. Kaya medyo hindi ako makausad. May signal number 4 pala ngayon pero tumuloy pa rin ako, mainit kasi kanina, akala ko hindi uulan ngayon. Shit!




Nanatili ako ng mabangga sa may puno na natumba. Mabuti na lang at mahina lang ang impact ng pagkabangga kaya hindi na sira.





"Omgygoodness!" napatili ako ng may nagtumbahang puno ng niyog.





Mamamatay na ba ako!?





Fuck!?





Sinubukan kong umatras pero nabangga lang ako sa natumbang niyog. Napapikit ako. What the hell!?




Hinagilap ko ang cellphone ko para humingi ng tulong kay Sicji pero hindi ako makahanap ng kahit isang bar ng signal! Shit! Shit! Katapusan ko na ba talaga ito!?





Ang lakas ng ulan at halos naririnig ko na ang pagguho ng lupa mula sa malayo. Kinuha ko 'yong duffel bag ko at cellphone bago lumabas ng kotse. Kailangan kong umalis dahil kung hindi, matatabunan ako ng nagsisitumbahang niyog at mga puno. Gusto kong umiyak sa takot pero kailangan kong maging matatag kung gusto ko pa ang mabuhay. I need to be strong enough for the twins. Kailangan kong mabuhay para sa anak ko.




Nagdidilim ang paligid dahil sa lakas ng ulan. Nagtumbahan ang mga puno sa paligid kaya lakad takbo ang ginawa ko para makahanap ng masisilungan, medyo naramdaman ko na rin ang pagod dahil sa kanina pa naglalakad. Napahinto ako sa isang abandonadong kubo dito sa flower plantation. Napasinghap ako, walang tao dito dahil pasilungan lang naman ito ng mga trabahador na nagtratrabaho sa farm na 'to. Gawa ito sa mga pulidong kahoy at matibay na bubong kaya hindi ito magigiba ng bagyo o kahit na ano.





The Law Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon