Chapter 03HALOS TATLONG araw na rin ang nakakalipas nang nawala sina Buboy at Gong. Tatlong araw na rin ang nakalipas ang huling kain ko. Parang hindi na nga ako nakakaalis sa pwesto ko eh. Nagka-ulcer na rin ako pero tinitiis ko lang. Ang bilis kong magkaroon ng ulcer, siguro dahil hindi talaga ako sanay na hindi kumain dati pa.
Nakaupo nanaman ako sa flower box habang nakatingin sa restaurant na nasa harapan ko. parang walang taong pumupunta sa restaurant dahil masusungit ang mga tao na nagtatrabaho diyan!
Katulad nung ibang babae diyan, lumapit lang ako sa glasswall para sana magsalamin tapos pinagalitan na ako. Baka daw kasi madumihan ang glasswall nila.
Hindi ko narin nakikita si Jaylen. Ang alam ko siya talaga ang nagbigay sa'min ng pagkain. Akala ko may kasunod pa pero wala na.
Sina Buboy? Wala akong balita sa kaniya. S'yempre wala naman akong source o kapangyarihan para mahanap sila. Isa lang naman akong pulubi na may ulcer.
"Ano 'yung mabahong 'yun?"Napasinghot ako. Ang baho! Napatakip ako ng ilong sa tindi ng amoy. Mas masangsang pa sa amoy ng inidoro!
Wala sa sariling napa-amoy ako sa kili-kili ko. Pwe! Ang bantot!
"Ako pala ang nangangamoy. Paano na 'to? Wala naman akong damit."
Okay sana kung sa probinsya ako. Doon kasi maraming nakasampay na damit na pwede kong kuhain. E dito? Puro mansion ang nandito, wala kang makikitang zip line sa mga bahay nila dahil puro naka dryer.
Bumuntong hininga ako at napatingin sa gilid. Naglakad ako papunta sa lolang nagtitinda ng mga alahas, damit, at iba pa. May bigla akong naisip na solusyon.
"Hi, lola."ngumiti ako sa kaniya ng matamis.
"Oh ineng, bibili ka ba?"
Napakamot ako sa buhok kong alambre."Ah lola, pwedeng pautang? Gusto ko po kasi sanang magbili ng damit ko dahil wala na akong masuot."
"Abay bawal ineng! kada isang linggo lang ako dito pumupunta."
Lumaylay ang balikat ko. Ano ba ang gagawin ko? Pati si Lola madamot. Pwede ko namang pagtrabauhan—
"Lola, alam ko na!"napangiti ako sa naisip."Pwede po bang magtrabaho ako dito sa inyo tapos kapag may bumili libre na 'yon sa'kin?"turo ko sa manikin na may damit at underwear sa loob.
"Eh, kaya mo ba?"
"Opo!"
"O sige, mag simula kana ngayon. Wala namang nagbibili sa'kin."
Doon ako napasimangot. Sabagay puro mayayaman ang mga taong nandito. Puro mall nga eh.
Napatingin ako sa mga mayayamang dumaraan. Napaisip ako. Kahit ba mayayaman sila naniniwala ba sila sa mga pamaihin o kasabihan?
Bigla nalang nag light bulb ang utak ko. Alam ko na hehe.
Kinuha ko ang alahas sa lamesa."Lola, magkano po ba ang isa nito?"
BINABASA MO ANG
Love is a Secret Ingredient
RomanceHatred will never be a solution to your problem. Jaylen Corbyn is a professional head chef of JL's restaurant, raised by his chef father and has a two younger siblings. He's competitive, he wants to be the best, and he wants to succeed. In able to a...