chapter 20

74 14 0
                                    


Chapter 20

KUNG PWEDE lang ako maging turon, nabenta na ako kanina pa.

Pagulong-gulong ako sa kama habang nakabalot ng comforter. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang gusto kong sumigaw, parang gusto kong manghampas ng braso kaso wala akong mahampas. Parang ayaw ko na yatang lumabas ng bahay dahil sa kahihiyan.

"... baby."

"Ano ba 'tong iniisip ko."tinampal ko ang pisnge ko. Gumulong ako sa kama."Ayaw ko na! Umalis ka sa utak ko parang awa mo na!"

"... I need you."

"Hindi,"umiling ako."Hindiiii!"

Tinanggal ko ang comforter na nakabalot sa katawan at umalis sa kama. Nagmamadali akong pumunta sa banyo.

Pinagmasdan ko ang namumulang mukha ko sa salamin. Wait, mukha ko ba ito o kamatis? Bakit ang pula masyado?

Eh kasi hindi ko akalaing may mahika ang mga salita ni Jaylen! Katulad nung nangyari kagabi, surprising masyado ang sinabi niya at halos maging kulay dugo na ang mukha ko. Ayon, napakaripas ako ng takbo dala-dala ang plato ng salmon.

"... I want you by my side."

Mahigpit akong napahawak sa damit kung saan ang puso ko. Ang bilis ng tibok nito at parang gusto nang lumabas. Nababaliw na yata ako.

"Hindi kaya ikamatay ko 'to?"hinihingal kong sabi habang tinatapik-tapik ang dibdib."Ano bang meron sa mga sinabi ni Jaylen at nagkakaganito ang puso ko?"

I sighed. I really need to breathe.

Napatalon ako dahil sa isang katok sa pintuan ng kwarto ko. Agad akong lumapit at binuksan iyon. Nadatnan ko si Urico na may nakakalokong ngiti sa labi. Nagtaka ako kung bakit gano'n ang itsura niya. Nakisama pa nga panis na laway niya e.

"Bakit?"nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kanina ka pa nag-iingay diyan, akala ko tuluyan kanang nabaliw. Nakakain kana ba?"

Kumunot ang noo ko. Hindi naman niya ako tinatanong kung kumain naman ako tuwing umaga eh. Tanghali at gabi lang kasi kami kumakain sa JL's.

"Kaya ka ganiyan dahil na-g-guilty ka sa hindi pagsipot mo sa akin kagabi 'no?"nakanguso kong tanong habang nanliliit ang mata."Hinding-hindi ko makakalimutan 'yon!"

"Sorry na nga di ba? May ginawa lang kami ni Anizza."

Unti-unting namilog ang mga mata ko —

"Nag dinner date kami sa MASA! Kung ano-ano ang iniisip mo."

Napakamot ako sa ulo."Akala ko may ginawa kayo. Matanda na pa naman kayo. Saka, bakit sa MASA pa kung pwede naman sa JL? Kayo talaga."

Sinamaan niya ako ng tingin. Tinawanan ko lang siya. Medyo pain ako nang ngumiwi siya. Mabaho pa ang hininga ko dahil hindi pa ako naka toothbrush, kagigising ko lang kaya...

Love is a Secret IngredientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon