Chapter 05BAKIT HINDI ko mapigilan ang sarili ko na masaktan? Kahit ayaw ko naman kusa kong nararamdaman. Gano'n ba talaga kasakit na laitin ka?
Nakaupo ako ngayon sa likod ng kitchen. S'yempre ayaw naman na nila ako makita kaya ako nandito.
Kasalukuyang hawak ko parin ang kamay kong dumudugo. Kahit ito hindi ko maramdaman ang sakit eh. Bumabalik parin kasi sa utak ko ang mga sinabi nila. Pero ang mas nagpapagulo sa isipan ko ay ang memorya sa utak ko kanina.
Ipinilig ko ang ulo ko. Ano kaya iyon?
Feeling ko galing 'yon sa past ko. Nakakatuwa lang na may ama pala ako. Pero nasaan siya ngayon? Bakit wala siya sa tabi ko? O kung alam niya naman na nawawala ako, bakit hindi niya ako hinanap?
Baka nga itinapon niya na rin ako?
Mapait akong ngumiti. Malamang sa malamang. Once a Jaylen philosopher said 'salot ako' ano nalang kaya sa ama ko? Nagsawa na yata sa'kin. Katulad nalang sa nakita ko sa memorya ko kanina, umiiyak ako habang hawak ang cellphone, nasa kabilang linya no'n ang ama ko, umiiyak ako habang nasa harap ng building at sinasabi niya sa'kin na may nag-aantay sa'kin. Isa lang ang ibig sabihin no'n. Pinamigay niya ako.
"Salot!"
Napahawak ako sa ulo. Bakit ko ba 'yun naiisip! Bakit ayaw matanggal sa utak ko! Kanina pa 'yan ha.
Napatitig ako sa kamay kong dumudugo. May mga bubog parin 'yun na hindi ko natanggal. Natatakot kasi akong tanggalin ito, baka kasi mahapdi.
Bigla kong tinago ang kamay ko sa likod ko nang may lumapit sa akin. Inosente akong napaangat ng tingin sa kaniya. Si Tristan na nakangiti habang may hawak na panyo— para ata sa akin.
Kinuha ko iyon at pinunas sa pisnge kong may luha. Nakakatuwa, parang teleserye lang.
Umupo siya sa tabi ko.
"Hey..."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Napatitig ako sa mukha niyang nag-aantay ng sagot ko.
"H-hi?"
Mahina siyang natawa."Hinahanap kita, nandito ka lang pala."
"B-bakit mo'ko hinahanap?"
"Gusto ko sanang humingi ng sorry. wala kasi kami ni Emar gayong kami naman ang waiter."naiintindihan ko."Biglaan kasi ang pagdeliever ng tubig eh. kailangan ng magbubuhat."
Tumango ako. Hindi niya naman kasalanan kaya bakit siya nagso-sorry? Ang bait niya..
"Okay lang."wika ko.
Bigla akong napaangat ng tingin. Parang may nakalimutan ako sa loob?
Napalingon ako sa kaniya."Kuya Tristan, nakita mo ba ang bag ko?"
"Hindi, bakit?"
"Aalis na kasi ako eh."nakangiti kong saad.
"Huh? B-bakit?"
"'Di ba salot ako?"mapait akong ngumiti."At bawal dito ang salot. Sa tingin ko naman hindi na ako tatanggapin pa ni Jaylen. Isang araw palang palpak na ako."
"Gusto mo bang kausapin natin siya? Sa tingin ko nandiyan pa siya— "
"H'wag na nga, ang kulit. Bukod kasi sa salot, bawal din ang lampa dito."
BINABASA MO ANG
Love is a Secret Ingredient
RomanceHatred will never be a solution to your problem. Jaylen Corbyn is a professional head chef of JL's restaurant, raised by his chef father and has a two younger siblings. He's competitive, he wants to be the best, and he wants to succeed. In able to a...