Chapter 22HALOS MAMANHID ang balikat ko sa kaka-flip ng pan. Kaya hindi talaga biro ang pagiging chef, namulat ako sa katotohanan ngayon na isa itong marangal na trabaho. Sa mga araw na nakalipas habang pinapanood ko sina Jaylen sa pagluto ay akala ko madali lang. Pero nang subukan ko na ito, saka ko lang na-realize na mahirap pala.
Akala ko rin ay okay lang kahit anong style ng pagluluto bata't ay may mailuluto ka at makakain. Pero nagkamali ako, kelangan pala tama lang ang apoy, mantika at kahit ang ingredients. Dapat tama ang panlasa sa iyong niluluto, hindi sobra o kulang, dapat sakto lang.
"Rose, hinaan mo ang apoy, masyadong malakas."
Tumango ako at sinunod ang kaniyang utos.
"Kelangan hindi masyadong malakas ang apoy mo sa pagluluto ng karne,"sabi niya habang hinahalo ang nasa sawali."Kapag nangyari 'yun, labas lang ang maluluto sa karne at hindi ang loob. Kapag katamtaman lang ang apoy, unti-unting maluluto ang loob. Magiging juicy ang laman nito at crispy ang skin."
Nilagay niya sa plato ang steak at hiniwa ito. Namilog ang mata ko sa pagkamangha at pumalakpak dahil sa pagkamangha. Tama nga siya, maganda ang pagkakaluto ng loob.
"Pwedeng tikman?"
Tumango siya."Sure."
Pinaglapat ko ang mga labi ko at tinuro ang tinidor at knife na hawak niya."Gamitin ko pwede?"
Tumango siya pero imbes na ibigay ito sa akin ay siya mismo ang naghiwa ng steak at tinapat ang tinidor na may steak sa bunganga ko.
Uminit ang pisnge ko.
"P-pwede naman ako nalang."
He sighed."Kainin mo na, ang dami mo pang arte."
Agad kong binuka ang bunganga ko para kainin ang steak na nasa tinidor. Napangisi siya ng nginuya ko 'yon. Kumain din siya ng stake.
Napatitig ako sa tinidor na hawak niya. Lumapat ito sa kaniyang labi.
Pero hindi ba...
Namula ang mukha ko nang ma-realize na ginamit namin ang iisang tinidor! Parang ano.. 'yon bang sinasabi nilang indirect kissing? 'Yun nga! Parang nag-kiss na rin kami!
Pero nagbago ang expression ko nang malasahan ang steak na nginunguya. Tama nga siya, crispy on the outside but juicy on the inside! Wala naman siyang nilagay na sabaw sa stake pero napakasarap na. Ang tanging ginawa niya lang ay ang marinating.
"Nauuhaw kana ba? Kasi pwede kitang turuan ngayon tungkol sa mga inumin."
Tumango ako.
"Anong klaseng juice ang gusto mo?"
"Lemon juice!"masaya kong wika. Kumuha ako ng baso at inabot 'yon kay Jaylen."Ito, baso ko."
Umiling siya at kumuha ng baso na pang wine."Ito dapat ang gagamitin natin sa drinks. Kahit sa dish ay kelangan maganda ang plating ng pagkain. Mas gaganahan ang kakain kung maganda ang pagkain."
BINABASA MO ANG
Love is a Secret Ingredient
RomanceHatred will never be a solution to your problem. Jaylen Corbyn is a professional head chef of JL's restaurant, raised by his chef father and has a two younger siblings. He's competitive, he wants to be the best, and he wants to succeed. In able to a...