Chapter 433 years ago...
AUTOMATIKONG namulat ko ang mata ko at nakita ang puting kesame. Napabangon agad ako at naamoy ang amoy ng hospital. Nakita ko sina kuya at Ylla na nakaupo sa sofa na agad namang napatayo at tinawag ang nurse nang makitang gising na ako. Nilapitan nila akong may pagaalala sa mukha.
"Are you okay?! Oh my gosh! Bakit ba lagi nalang ito nangyayari?"iritang saad ni Ylla.
Namasa ang mata ko kaya tinakpan ko ang mukha gamit ang kamay. Bumigat ang paghinga ko at inalala ang nangyari.
"Kailan ba ito matatapos kuya? I-ilang beses na ba ako napunta dito? Tatlo? Anim?"
Lumambot ang mukha niya."Ches..."
Umiling ako."Hindi kuya, kailangan ay may gawin ako at baka sa susunod ay mapatay na ako."
"Don't say that!"inis niyang sabi. He sigh."Ako na ang magaayos nito kaya magpahinga ka na."
"Lagi nalang, kuya. Hanggang ngayon wala pa tayo nagagawa."
After what happened. Gusto kong malaman kung sino ang nagpabaril sa akin. Warning palang ang ibinigay sa akin. Nakaraan lang ay nakatangap ako ng death threat at ayaw ko nang maulit pa 'yun.
Paano kung tungkol ito sa ka business partner ni dad? Oh kaya naman may galit kay dad kagaya ng mga ka-drug dealers niya. May kutob talaga ako na may kinalaman 'yun sa nangyari sa akin.
"Wala ba itong kinalaman sa business ng dad ninyo?"parang nabasa ni Ylla ang isip ko.
"Maybe, pero hindi tayo nakakasiguro. Hindi pa natin alam kung bakit naaksidente si Chesca. Paano kung may kinalaman ito doon?"
Napaisip ako sa sinabi ni kuya. Tama siya, hindi pa namin alam kung bakit ako naaksidente at nagka-amnesia. Ang tanging naalala ko lang ay lalaki ang driver at mukhang kinakabahan. Nakakapagtaka lang dahil nakapang chef siya na soot.
Kung may posibilidad na may kinalaman nga 'yun doon ay kailangan kong umalis ng bansang lisbon papunta sa pilipinas. Kailangan kong malaman para manahimik na ako. Para maging payapa na rin ang pamumuhay ko.
PALIHIM AKONG bumalik sa pilipinas. Hindi alam ni kuya o kung sino man dahil alam kong pipigilan nila ako. Ang tanging nakakaalam lang ay si tito Nunzio na nasa pilipinas. Tutulungan niya ako.
Pumunta ako sa village ni tito. Nadaanan ko ang mga bahay na magaganda at alam ko na agad na tirahan ito ng mga bachelor.
Lumabas ako ng taxi nang makarating ako sa bahay ni tito. Nakita ko agad siya sa labas ng bahay niya na nagaantay sa akin.
"Good morning po, tito."
"Good morning, hija. Hindi na tayo magtatagal pa. Kailangan na nating umalis."
Tumango ako at pumasok sa kotse niya. Medyo kinakabahan ako. Nilingon ko si tito nunzio habang nagmamaneho siya.
"Malapit lang po ba 'yon?"
BINABASA MO ANG
Love is a Secret Ingredient
RomanceHatred will never be a solution to your problem. Jaylen Corbyn is a professional head chef of JL's restaurant, raised by his chef father and has a two younger siblings. He's competitive, he wants to be the best, and he wants to succeed. In able to a...