Chapter 30WALANG araw ang hindi ako luluha. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang sila naawa sa'kin. Hindi ko sila kilala kaya bakit nila gagawin sa'kin ito?
Halos matanggal na ang tape sa bibig ko dahil sa luhang dumadaloy sa aking pisnge. Hindi ko na kaya, pagod na ako. Hindi ko na kaya pa ang mga sakit na ibinigay nila. Awang awa na ako sa sarili ko, lamog na lamog na ang katawan ko.
Bumukas muli ang pintuan at pumasok ang lalaking may dalang tray na may lamang pagkain. Kahit papano ay hindi parin ako pinababayaan ng Diyos. Kahit katiting na kanin at ulam lang ay okay na ako.
Tinanggal ng lalaki ang mga nakatali sa kamay at paa ko at tinanggal niya din ang tape sa bibig ko bago niya ipinuwersa sa akin ang tray na may lamay pagkain.
"Kumain kana." Nasa boses niya ang pagkairita.
"K-kuya, tulungan mo'ko."napapaos kong sabi habang lumuluha."Kuya, please..."
"Sabi nang kumain ka!"
Halos mapatalon ako sa sigaw niya. Tinitigan ko ang lalaki bago yumuko at kinain ang pagkain ko. Hirap na hirap akong kumain dahil sa panginginig ng kamay ko. Sa bawat subo ko ay mahirap lalo na't lumuluha pa ako.
Sakit.. 'Yan ang narardaman ko ngayon. Kahit na ayaw ko na ay kinakaya ko parin. Alam ko kasing darating siya.
Umangat ulit ako ng tingin sa lalaki habang umiiyak.
Nakakatatlong subo palang ako ay kinuha na agad ng lalaki ang pagkain ko at padabog na lumabas ng silid. Dinig ko ang paglock niya ng kandado siya umalis.
Wala sa sarili ako napatingin sa kamay at paa ko. Nakalimutan niya akong talian.
Namilog ang mata ko. Kahit papano ay nakaroon ako ng pagasa.
Napabaling ako sa pintuan at bumuga ng marahas na hangin. Umaasa talaga akong pupuntahan niya ako pero walang dumating!
Siguro dapat.... mamulat na ako sa katotohanang umaasa lang ako. Na hindi ako namumuhay sa fairy tale na may prinsepeng darating at ililigtas ako dito sa masasamang tao.
Uminit nanaman ang mga mata ko. Sunod sunod na maiinit na luha ang dumaloy nanaman sa pisnge ko. Hinang hina ako habang pinupunasan ang mga luha ko. Pinagmasdan ko ang itsura ko, puno ng pasa at sugat. Para akong prutas na lamog.
Unti-unti akong tumayo at ininda ang sakit ng katawan ko. Nanlalabo ang mata ko dahil sa luha at dahil narin siguro hinang-hina na ako. Pwede na akong mag black out ano mang oras.
Pumunta ako sa pintuan at sinubukang buksan 'yon pero ayaw bumukas. Nanginginig pa ang buong katawan ko habang ginagawa 'yon. Sa sobrang panghina ng katawan ko ay napaupo ako sa simento at umiyak.
"A-ang—sakit.."halos walang boses kong sabi.
Napahilata ako sa sahig at nahihilo. Ngayon ay napasilip ako sa labas ng pintuang nito. Napansin kong may kumikinang na bagay na nakapagbigay pagasa sa akin.
"S-susi.."may pagasa sa boses ko."susi.."
Nanginginig ang kamay ko nang kunin ko 'yon. Unti unti akong napaiyak hanggang naging hikbi iyon. Hindi ko akalain na makakaalis ako sa lugar na ito. Salamat sa Diyos at sinagot niya ang mga dalangin ko.
Nanghihina at humihikbi ako habang tumayo ulit. Naiyak ako sa iyak. Inilusot ko ang kamay ko sa maliit na butas doon at sinubukang buksan ang kandado. Mariin akong napapikit dahil sa hapdi ng braso ko na dumurugo na dahil sa matulis na dumatama dito galing sa maliit na butas.
BINABASA MO ANG
Love is a Secret Ingredient
RomanceHatred will never be a solution to your problem. Jaylen Corbyn is a professional head chef of JL's restaurant, raised by his chef father and has a two younger siblings. He's competitive, he wants to be the best, and he wants to succeed. In able to a...