chapter 07

87 16 0
                                    


Chapter 07

NAKAYUKO ako habang pinapagalitan ako ni Jaylen. hindi ko kasi namalayan na isang oras na pala akong nakikipag-kwentuhan kay Urico. Tanging sapatos niya lang ang nakikita ko. Ayaw ko siyang makitang nanliliksik ang mga mata sa akin. Parang kaunti nalang kakainin na niya ako ng buhay eh.

"... Paano ka makakabayad ng utang mo ni wala ka ngang nagawang maganda dito."

Nanatiling nakatikom ang bibig ko. Ayaw kong magsalita baka kasi kung ano pang lumabas sa bibig ko.

"... Tapos ano? Makikita ko nalang kasama mo 'yung lalaking baliw na yon?"

Doon ako napaangat ng tingin."Hindi siya baliw."

"Tch! Baliw 'yun! Lagi nalang may twalyang suot. Tapos tatawa ng walang rason."

Sabagay, kahit ako rin naman nawiweirduhan sa kaniya. Kahit siguro tumalon ako o kaya naman tumakbo tatawanan niya.

Hindi ko alam na kilala pala siya ni Jaylen.

"Oras ng trabaho nasa layasan ka!"

Yumuko ako ng 90 degree."Sorry po.."

"Tsk, lagi ka nalang yumuyuko, Japanese ka ba? Ha?"

Umayos ako ng tayo at tiningnan siya ng inosente."Japanese?"

"Suki."

Bigla nalang nanlaki ang mga mata ko. Bigla nalang nagsanib sa'kin ng matinding kaba at umawang ang labi. Napatingin siya sa tenga ko.

"T-talaga?"hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya."T-totoo?"

Napakagat ako ng pagibabang labi para pigilan ang ngiti. Hindi ko akalaing gusto niya ako. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Oo attractive si Jaylen. Kahit pangit ang kaniyang ugali ay nag-aalala parin siya sa ibang tao katulad ko. Kahit na pinapakita niyang galit siya ay lumalabas parin ang kabutihang loob niya.

Dahil doon ay parang... nagugustuhan ko na siya.

Nagulat siya."Ah—"

"Crush din kita, Jaylen."pinagmulahan ako."A-ang bait mo kasi sa akin kaya nagustuhan kita ng konti. At naintindihan ko ang sinabi mo."

I giggled. Hindi naman sa sobrang crush na crush, hinahangaan ko lang siya dahil napakabait niya at marami na rin siyang naitulong sa akin. Pero nakakasiguro naman akong hanggang crush lang naman itong nararandaman ko.

Napakamot siya sa pisnge."Ah... nagbibiro lang ako sa sinabi ko."

Natigilan ako at biglang naglaho ang ngiti. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Parang wala sa sariling nakatitig siya sa'kin habang namumula ang tenga.

"H-ha? Pero sabi mo may gusto ka sa akin."

"Sinabi ko lang 'yun para tignan kung marunong ka nga."disappointed siyang napailing."Ang bilis mo naman magkagusto sa akin. Sabagay madami namang nagkakagusto sa akin."

Love is a Secret IngredientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon