chapter 27

63 9 0
                                    


Chapter 27

MAGIGING BUSY nanaman kami ngayon dahil lunes na bukas. Pupunta bukas ang mga taga teleconference call center ayon kay Julie. Umalis na ako sa bahay nina Urico para makatulong naman ako sa kusina kahit papano.

Dumaan muna ako sa munting tirahan nila Buboy. Kinamusta ko muna sila at binigyan narin ng pagkain na binaon ko galing sa bahay ni Urico tapos non ay tuluyan na akong dumiretsyo sa JLF restaurant.

"Good morning!"

Napabaling lahat ng tao sa locker dahil aking maligayang bati. Tiningnan lang nila ako saglit tapos balik ulit sila sa paguusap.

Kinagat ko ang pangibabang labi ko at nilinga ang ulo para hanapin si Jaylen. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala siya dito.

Sa ngayon ay ayaw ko muna siyang malapitan. Ayaw ko din na malapit siya sa'kin dahil tuwing nandiyan siya ay kinakabahan ako, parang umiinit ang paligid ko na pwede na akong mahimatay.

Lumapit sa'kin si Tristan at inabutan niya ako ng apron na kulay black. Sinuot ko 'yon at ganun din ang sa 'kanya.

"Pupunta ka ba ulit sa taas mamaya?"tanong niya habang inaayos ang laylayan ng apron."May lalaro ulit kami ng baraha, sali ka?"

Napangiti ako. Tuwing closing ng restaurant ay lagi akong nasa kwarto nila. Tinuruan nila akong mag baraha at doon ko lang nalaman na mababait sila. Maliban nga lang kay Julie. Kapag natatalo siya ay ako ang sinisisi.

"Sige, turuan mo 'ko ulit ha?"

"Sige ba!"

Ngiti akong tumango at pumunta sa kusina kung saan lahat ay kumikilos na. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa lalaking nakatayo gitna ng kitchen.

"Sige, sa labas na ako."

"Trist—"bago pa ako makapagsalita ay nakaalis na siya sa kitchen.

Bumuga ako ng hangin. Paano na 'to? Dapat sa labas nalang din ako naka-assign eh. Paano ko siya haharapin ngayon? Lalo na't kasing bilis ng cheetah ang tibok ng puso ko kapag nasa tapat ko na siya.

Nakatayo lang ako sa pintuan at pasimple siyang nilingon. Bahagyang nabigla ang puso ko nang nagtama ang mga mata namin.

Agad akong tumalikod at mariin na pumikit. Kainis naman. Kahit gusto ko yatang umiwas ay parang ayaw ko lalo na't nakita ko nanaman siya ngayon. Bakit kasi ang gwapo niya?

Bahilis akong pumunta sa island counter kung saan ako laging naghihiwa o nagbabalat ng mga gulay. Kinalkal ko ang nasa harap ko upang hanapin ang binabalatan kong carrots.

"Chef Vince,"tawag ko sa katabi kong naglukuto."Nakita mo ba 'yung mga carrots na binabalatan ko?"

"Ha? Tinapon na ni Chef Jaylen kahapon."

Nagulat ako sa sinabi niya. Dahan-dahan akong tumango at kinuha ang luya para 'yun nalang ang pagkaabalahan.

Iniisip ko. Bakit niya gagawin 'yon? Kung dati sinasabihan niya akong nagsasayang ng pagkain eh siya din naman ngayon! Marami akong pineal na carrot at pinaghirapan ko 'yun, sayang lang ang pagod ko!

Ngumuso ako habang nagbabalat ng luya. Baka pati ang luyang 'to ay itapon niya din. Ganun niya ba ako kaayaw? Pati mga hinahawakan ko ay itatapon niya? Wala naman akong bacteria sa kamay ah.

Love is a Secret IngredientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon