Chapter 21"KAILANGAN BA talaga na lagyan ng bawang at sibuyas?"Tanong ko habang tinatanggal ang bawang at sibuyas sa kinakain ko.
Ang pangit naman talaga ng lasa eh. Gano'n din sa luya at capsicum. Kaya imbes na kainin ko, hinihiwalay ko ito.
"Nagsasayang ka ng pagkain!"Binalik niya iyon sa plato ko na ikinanguso ko. Napailing-iling siya." Wala ka talagang alam sa cuisine world. Wala kang ambag dito sa restaurant ko."
Pero niyaya niya akong magtrabaho dito. Isip ko.
Napataas ang magkabilang kilay ko sa narinig." Cuisine wolrd? Maganda ba doon? Para din ba siyang earth? Punong-puno kaya 'yon ng mga pagkain? Hala! Gusto ko ring makapunta doon! Kapag nakapunta ako doon uubusin ko lahat— "
"Idiot! Hindi siya isang mundo o planeta katulad ng iniisip mo!"he sighed."Cuisine is a certain cooking style or quality of cooking. The food prepared, as at a restaurant. Kaya kung gusto mo makapunta sa cuisine world, dapat may passion ka at ability to cook different style of food like French Cuisine— tsk whatever! Kumain ka nalang diyan."
Napanguso ako. Kahit kelan hindi talaga natatanggal ang pagkasuplado niya. Kagabi niyakap niya pa ako at tumatawa pa siya sa akin, ngayon back to himself na siya. Hindi naman sa nagrereklamo ako sa kaniyang ugali. Sabi niya kasi gusto niya rin ako, may nagkakagusto bang gano'n? Susungitan mo 'yung taong gusto mo? Hindi ba dapat maging mabait siya sa akin? S'yrempre pampa-pogi points 'yun.
Sinundo niya ako ulit sa bahay ni Urico papunta dito sa restaurant. Ang aga-aga pa nga eh. Sa tingin ko mga five palang ng umaga.
Nakasimangot akong inangat ang kutsara. Napangiwi ako dahil nandoon nanaman ang sibuyas at iba pa.
"Jaylen, ayaw ko 'tong kainin."
"Arte mo. Kainin mo 'yan para magkasustansya naman 'yang katawan mo, kaya ang payat-payat mo eh."
Napasuri ako sa sariling katawan. Hindi naman ako mapayat, sakto lang ang pangangatawan ko at hindi naman nagmumukhang ting-ting.
Ngumuso ako."Bakit ba kasi kailangan pa niyan?"
"Appetizer ang tawag diyan, nilalagay sa mga putahe para ganahan kang kumain. Kung hindi mo pa naiintindihan ay parang 'yan ang pinaka sangkap ng dish."
Namilog ang bunganga ko"Talaga?"
"Tanga talaga."
Ngumuso nalang ako. Namumoblema ako sa pagkain ko! Mukhang masarap pa naman. Ang tawag niya dito ay chicken curry with a twist daw? Kulay green siya tapos may manok at gluten, mabango siya at nakakatakam kainin. Ngayon palang ako nakakain nito.
Pinagipon-ipon ko ang mga capsicum, sibuyas, bawang at luya. Ang tanging gusto ko lang ay ang green na sabaw, chicken, gluten at patatas.
"Ano 'yan?"nagtatakang tanong niya.
Pinaglapat ko ang aking mga labi bago inabot sa kanya ang mga 'Appetizer' na sinasabi niya. Napangiwi naman siya habang nakatanaw rito.
"Ipapakain mo sa akin 'yan?"tumango ako."Hindi ako baboy."
BINABASA MO ANG
Love is a Secret Ingredient
RomanceHatred will never be a solution to your problem. Jaylen Corbyn is a professional head chef of JL's restaurant, raised by his chef father and has a two younger siblings. He's competitive, he wants to be the best, and he wants to succeed. In able to a...