chapter 09

65 15 3
                                    


Chapter 09

PARA AKONG nanlumo nang makita ang hospital bill ni Tristan. Wala naman akong pera pang bayad kaya pera ng restaurant ang naibayad ko. Wala din naman siyang pangbayad dahil hindi ko pa sila naseswelduhan. Peste, bakit kailangan pang sumugod? Akala mo naman kung sinong malaki ang katawan. Bayot naman.

Bumalik ako sa ER para makita si Tristan. Nasa tabi niya si Emar na halos humagalpak sa tawa habang pinagmamasdan ang mukha nito. Kumuha ako ng isang mono block sa gilid at umupo sa tabi ni tristan.

"Hindi na kita kukuhanan ng private room,"tumaas ang sulok ng labi ko."Magdusa ka diyan."

Hirap niya akong nilingon. Pilit niyang buksan ang mukha ngunit hindi niya magawa. Ang tanga-tanga naman, alam nang bugbug sarado ang mata imumulat.

"Lalo kang pumangit."napa-tsked si Emar.

"T-tang ina m-m-mo."

"Nakuha mo pang mag-mura sa lagay mong 'yan?"humagikhik si Emar. "Sa Xaville ka ba pumunta o sa gubat? Para kasing tinusok ng pwet ng pukyutan 'yang mukha mo."

"P-pakyu!"

Pinandilatan ko siya ng mata."At may gana ka pang mag-mura? Badtrip ka. Wala kang sahod ngayong buwan, balak mo pang siidin ang pera ng restaurant!"

"P-pasenya n-na C-c-hef."

Napailing-iling nalang ako. Hindi ko kailangan ng pasensya.

"My gosh! Anong nangyari?!"

Sabay kaming napalingon sa tumili, si Lillian na kararating lang pala. Mukha siyang patulog na. Nakalimutan niya sigurong palitan ang damit niyang pantulog dahil naka-pantalon siya at pantulog sa taas. Baduy.

Kita ang pag-alala sa mukha niya nang makita niya si Tristan. Umupo siya sa space ng kama at sinipat ito.

"Ano ba kasing naisip mo at nagpabugbug ka ha?!"

"H-hindi a-ako n-n-nagpabugbug."

Hinampas ni lilian si Tristan. Napahiyaw naman ito sa sakit.

"Buwesit ka talaga!"

"Hoy Rochem, tama na 'yan. bugbug sarado na nga hinahampas mo pa."singit ni Emar.

"Lilian ang itawag mo sa akin. Lilian!"

"E di Lilian! Puta ang arte."

Nangiwi ako. Tumayo ako para lumabas. Kailangan ko munang magpahangin dahil sumasakit na ang ulo ko sa mga problema. Para na nga akong nasiraan ng ulo dahil nakakakita na ako ng numbers ng bill.

"Lalabas muna ako."paalam ko.

"Osige, balik ka ha?"

Love is a Secret IngredientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon