Chapter 36AKALA KO kapag bumalik ang ala-ala ko ay magiging maaayos na ang lahat. Pero nagkamali ako, hindi ko alam na mas marami akong madidiskubre.
Katulad na lamang ng ama ko. He's a criminal, nakita ko siyang pumatay ng tao. He fuck womans. Ang sabi ni kuya Franklin ay nagdudrugs si papa. Alam ko 'yun matagal na.
Nakakatawa lang, hindi man lang sinabi ni kuya Franklin na magkapatid kami. Umiyak pa nga ako sa harapan niya nung makaalala na ako. Nasa hospital ako no'n dahil sumakit nanaman ang ulo ko. Ilang araw na rin sumasakit ang ulo ko at... ngayon ko lang naalala ang lahat.
I really expect Jaylen to be there. Pero hindi siya dumating. He was busy at marami na siyang pinopoblema ngayon. Ayaw kong dumagdag pa sa mga problemang 'yun.
Si kuya Franklin kasi. Ngumuso ako. Sinabi niya ang tungkol sa pagpapakasal ko kay Kim.
Paulit-ulit pumapasok sa utak ko ang reaction niya nung makita ako. Confusion and disappointment. Parang gusto ko nalang tuloy mubalik sa pagka-amnesia para hindi ko na maalala ang lahat ng 'to at nandoon lang ako sa tabi ni Jaylen.
Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na't aalis ako ng bansa bukas. Hindi ko alam kung papaanong magpaalam kay Jaylen. Ayaw kong umalis sa tabi niya, gusto ko gano'n parin kami, na kasama ko siya sa restaurant niya at masaya kami.
"Hey sis, dinner time."
Nabaling ako kay kuya at tumango bago pumunta sa hapag kainan.
Nandito ako ngayon sa bahay ni kuya Franklin. Ayaw niya akong manatili sa bahay ni Kim Tai dahil sinasaktan niya ako. Ilang araw na rin niya iyon ginagawa. Kuya said he's a psycho.
"Masarap 'yan."ngiting sabi ni kuya.
Napataas ang magkabilang kilay ko at tinikman ang pagkaing niluto niya. Para akong nakakain ng tae at nadopra ko 'to.
"Hey!"ngumiwi siya."Mahal kaya ang pagkain."
"Kuya, mas masarap si Jaylen magluto. Ampangit ng-"
"Tch! Manager lang ako ng restaurant hindi chef!"kinuha niya ang pagkain at itinapon ito.
Napanguso ako nang maramdaman kong kumulo ang tyan ko. Hindi katulad ng dati, sa kalye lamang ako at napapalipasan ng gutom. Dito marami akong pagkain pero hindi naman kami marunong magluto.
Kung nandito lang sana si Jaylen...
Miss na miss ko na siya.
Biglang nag-doorbell. Nagkatinginan kami ni kuya. Nginuso niya ako at parang gusto niyang sabihin na ako ang magbukas ng pinto dahil hahanap pa siya ng makakain. Tumango ako sa kanya.
Pumunta ako sa sala. Malaki ang bahay ni kuya pero madali lang hanapin ang sala. Nagkibit balikat ako at binuksan ang pintuan.
"Sino- ah!"
Bigla nalang akong nalaglag sa sahig kasama ang isang lalaking lasing. Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang maamoy ko ang pamilyar na pabango niya.
Halos mapapikit na si Jaylen dahil sa kalasingan. Amoy na amoy ko ang alak dahil malapit lang ang mukha niya sa akin. Nakapikit siya at parang wala nang malay. Pakiramdam ko tuloy bumabaga na ang pisnge ko.
"Kuya!"tinawag ko si kuya para tulungan akong itayo si Jaylen.
"Bakit?"sigaw nito mula sa kusina.
BINABASA MO ANG
Love is a Secret Ingredient
RomanceHatred will never be a solution to your problem. Jaylen Corbyn is a professional head chef of JL's restaurant, raised by his chef father and has a two younger siblings. He's competitive, he wants to be the best, and he wants to succeed. In able to a...