Chapter 14
PINAPANOOD KO ang doctor habang tinatanggal ang benda tapos lilinisin at lalagyan ulit ng benda. Gusto kong pumalakpak sa pagkamangha dahil ang galing niya! Nakakamangha. Ako kasi pinitpit na mahugani sa bato okay na sa sugat.
Napatayo ako dahil natapos na ang doctor sa panggagamot sa kaniya. Nilapitan ko ito at nginitian ng malapad.
"Tapos na po ba, Doc?"
"Tss. Malamang."
Hindi ko pinansin ang kumento ni Jaylen at nakatingin lang sa Doctor.
"'Wag mo nalang siya pa-galawin masyado dahil may bali pa siya. Bantayan mo muna siya dahil masyado siyang malikot, okay?"nakangiti niyang sabi.
Napatanga ako sa binatang doctor. Ang ganda naman ng ngiting 'yan, pang commercial. Kumain ba siya ng maraming toothpaste na may corn starch?
"Tss..."
Napasulyap ako sa isa. Ano nanaman bang problema niya?
"After an hour ichecheck ko siya ulit."
Sunod-sunod akong tumango sa doctor."Opo Doc, hehe."
Ngiti lang ang relpy niya at lumabas na ng silid. Grabe ang gwapo naman ng doctor na 'yun, para siyang nasa commercial ng toothpaste. Siguro maraming nagkakandarapang babae doon 'no? Lalo na't kapag doctor.
"Makangiti wagas. Akala mo naman kagandahan e mas maganda pa ang ngiti ko dun. Badtri—"
"Jaylen? Sinong kausap mo?"
"Wala!"
Napabusangot ako. Bakit lagi nalang siyang galit at masungit? Ang hirap espelingin ng ugali niya. Konti nalang hindi ko na matiis ang ugali niya! Ggrr!
"Sinong nagbayad ng bills?"
Nagulat ako sa tanong niya."Paano mo nalaman?"
Tiningnan niya ako na para bang ako ang pinakatangang tao sa mundo."Sinabi ng nurse kanina habang nasa labas ka."
Nanliit ang mga mata ko. Siya nanaman? Hindi ko alam na pumasok pala 'yung nurse dito. Alam ko naman ang tungkol sa bills Kaya put phone on silent bakit kailangan niya pang ipaalam kay Jaylen? May gusto talaga siya sa crush ko 'no?
"Ewan ko, may lalaking pumunta dito para bayaran ang hospital bills mo. 'Yun ang sabi ng nurse. Huwag mo nang itanong dahil kahit ako ay hindi alam kung ano sino."
Nagtaka ako dahil hindi man lang nagbago ang reaction ng mukha niya.
"Hindi ka man lang napaisip kung sino?"
Nagiwas siya ng tingin."Hindi, alam ko naman kung sino. Mas mabuti na 'yun kesa naman may bayarin pa ako."
BINABASA MO ANG
Love is a Secret Ingredient
RomanceHatred will never be a solution to your problem. Jaylen Corbyn is a professional head chef of JL's restaurant, raised by his chef father and has a two younger siblings. He's competitive, he wants to be the best, and he wants to succeed. In able to a...