chapter 06

87 12 0
                                    


Chapter 06

HINDI KO talaga matiis ang masamang titig nina Julie at Mica sa'kin. Hindi nga ako makatulog dahil tinitignan nila ako tapos nagbubulungan pa sila. Hindi ba sila inaantok? Ang sarap pa naman matulog ngayon lalo't na't maulan sa labas.

Napabuntong hininga ako at umupo sa kama.

"Mga ate, hindi po ba kayo inaantok?"tumingin ako sa orasan."Mag-hahating gabi na po oh. Masama po ang pagpupuyat lalo na't pagod pa kayo sa trabaho."

Sabay silang inirapan ako. Grabe...

"Gusto mo ba dito matulog, Mica?"

"No! Hinigaan mo na kaya dirty na 'yan!"

Napanguso ako. Ibang-iba talaga sila. Kapag sa trabaho, hindi sila maarte pero pag kaharap mo na— hindi naman sa pagiging bad— maaarte talaga sila.

I am sorry for saying that 'maarte' word.

"Sige po, matutulog na ako. Tulog na din po kayo at baka magka-eye bags kayo. Pero kung gusto niyo pong magpuyat, sa kabaong nalang kayo bumawi ng tulog."

Lumukot ang mga mukha nila.

"Ikaw ang unang papatayin ko!"

"Saka, Don't 'po' me! Anong akala mo sa'kin? Matanda?"

"Po? este hindi po!— ay ano ba 'to?"nasobrahan ba ako ng bait? Tumikhim ako."Mica, matulog kana."

Napanganga siya."Now you're being like my mother, huh?"

Nanlaki ng mga mata ko."Anak kita?"

"What the hell? Don't talk to me nga!"

Ngumuso nalang ako at nahiga para matulog. Bakit parang halos lahat galit sa akin? Wala akong nakikitang mali sa mga kilos ko. Hindi ko sila maintindihan kung bakit nila ako ginaganto. Ngayon palang kami nagkakilala pero grabe na sila mangtaray sa'kin.

Panginoon, kayo na po ang bahala sa'kin rito...






NAGISING AKO ng maaga dahil sa ingay ni Julie at Mica. Akala ko nga nilapat nila ang mga bibig nila sa tenga ko kaya sobrang ingay. Natural lang pala silang maingay.

"Get up! Dummy!"

"Ewan ko talaga kung bakit binalik ka pa ni Chef dito."sabi ni Julie."You should be in streets nga eh."

Napaupo ako sa kama at kinusot ang mata."Eto na po, babangon na."

"Ang bagal!"

Napanguso nalang ako. Kailangan talagang manigaw? Kikilos na nga eh.

Nag makababa kami at nagpunta sa kitchen, napatingin ako sa mga suot nila. Uniform ng restaurant ang suot nila at ako lang ang hindi.

Napatingin ako aking suot. Ito 'yung damit ko nung naligo ako sa falls. Hindi pa naman siguro ako mabaho nito. Pero feeling ko ang langkit na ng katawan ko.

Love is a Secret IngredientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon