Chapter 39TUMAHAN NA ako sa pagiyak dahil feeling ko safe na ako- hindi, safe na nga talaga ako.
Kinarga niya ako papunta sa sun lounger at kumuha ng twalya at pinulupot ito sa akin. Napaangat ako ng tingin sa seryoso niyang mukha. Nagtama ang paningin namin.
Napailing-iling siya at bumalik sa pwesto.
"Sorry, Ches!"agad na pumunta si Ylla sa tabi ko. Guilty.
Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko dahil sa kahihiyan.
"Ayos ka lang ba?"si kuya.
Tumango ako sa kanya.
"Sorry talaga Ches, hindi ko naman sinasadya."si Ylla na halos maiyak.
"O-okay lang, Ylla."
Nakita kong umahon si Kim sa tubig. Napangiwi siya at umupo sa isang sun lounger sa tabi. Hindi na ako pinansin.
"Ayos ka lang ba? Gusto mo sa hotel ka muna?"ani kuya.
"Hindi na, kuya."
Hindi naman kami nagkuha ng hotel room. Ngayon lang naman 'to. Mamaya ay uuwi na din kami.
Napabaling ako sa pwesto nina Jaylen. Lahat sila ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. 'Yung iba naman na nakakakilala sa akin ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin, naalala siguro ako.
Panay parin ang pag-alala nina kuya. Pero hindi ko sila pinansin kundi ang paghaplos ni rica sa braso ni Jaylen. Kumunot ang noo ko. Sila na ba?
"Gusto mo na bang umuwi? Uuwi na tayo."
"Ano ka ba, kuya? Wag n'yong sirain ang moment. Okay lang ako." I gave him an assuring smile.
"Sigurado ka ha?"tumango ako."Alam mo namang labs na labs kita ayaw kitang mapahamak. Sige doon muna ako kay Jaylen ha?"
Napangiwi ako sa demonyong ngiti niya. Pinagmasdan ko siyang lumapit kina Jaylen. May sinabi si Jaylen sa kanya na hindi ko narinig sabay tawa si kuya at tinapik ang braso ni Jaylen. Nilingon naman ako ni Jaylen ay agad akong umiwas ng tingin.
Napabaling naman ako kay Kim na ngayon ay kasama ni Rochem- teka, si Rochem?
"Si Rochem ba 'yun?"tanong ko kay Ylla.
Tumango siya."Hindi mo ba alam na nagtatrabaho siya ngayon sa JLF?"
Namilog ang mata ko."Talaga?"
"Balik parin siya sa pwesto niya. Hindi mo kasi alam ang boong pangyayari na naganap sa loob ng tatlong taon sa JLF."
I got curious at the moment.
"A-anong nangyari?"
Ngumisi lang siya."Siya na ang magsasabi sa'yo."
BINABASA MO ANG
Love is a Secret Ingredient
RomanceHatred will never be a solution to your problem. Jaylen Corbyn is a professional head chef of JL's restaurant, raised by his chef father and has a two younger siblings. He's competitive, he wants to be the best, and he wants to succeed. In able to a...