chapter 23

65 14 0
                                    


Chapter 23

TATLONG ARAW din kami naging busy. Kelangan naming paghandaan ang reservation ni Urico at Bongbong, isama mo pa 'yung darating na cooking competition.

Bawal ko namang i-cancel ang reservation nina Urico at Bongbong dahil sayang din naman 'yon. Maaring bumalik muli ang mga costumers pag nangyari 'yon. Malay mo isa sa kanila ay specialist.

Kapag na tapos namin ito sa loob ng isang buwan, mapapabilis ang pagbabago at pagtakbo ng restaurant. At 'don, pwede na akong makasimula muli.

Bahagyang napatabingi ang ulo ko nang may ma-realize. Ngayong mga araw... parang mas focus pa ako sa pagbabago at pagtakbo ng restaurant kesa sa pagtatalo sa mga kapatid ko. Bumuntong hininga nalang ako.

"Mali 'yan, hindi ganiyan."sabi ko kay Rose nang mapansin nanaman ang ginagawa niya.

Ngayon ay nagsisimula siya muling mag practice sa pagluto at paghiwa. Kasalukuyang tinuturuan ko siya.

Malapit na ang linggo kaya inaaral ko siya ng maaga. Ngayon na wala na si Lilian ay siya muna ang assistant ko habang naghahanap pa ako ng ibang ipapalit sa kanya.

Natalima siya nang marinig niya ako mula sa likuran niya. Agad niyang inayos ang paghihiwa niya.

"Bakit ka umiiyak?"takang tanong ko sa kanya nang mapansing namamasa na ang mga mata niya.

Natigilan ako. Wait, was I too hard on her? Nahihirapan na ba siya at pagod na?

"'Yung sibuyas kasi, Jaylen."sabi niya habang sumisinghot."Ang sakit sa mata!"

"Tss..."tiningnan ko ang gawa niya."Masyadong malaki ang mga hiniwa mo. Hindi mo ba talaga kayang gawin na tama?"

Suminghot siya at pinunasan ang mga luha gamit ang pulsuhan. Napakadaling gawin 'to tapos hindi niya pa kayang gawin?

Lumapit ako sa likod niya. Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang magkabilang kamay niya bago ko siya iginiya sa paghiwa ng sibuyas.

Naramdaman ko siyang natigilan."H-hindi naman kailangan, Jaylen..."

"Ilang araw nalang at linggo na tapos wala ka pang natututunana. Lagi ka kasing na s-space out!"

Suminghot siya habang nakayuko. Ilang oras pa ay nag-e-explain ako sa kanya kung paano gawin ang paghiwa ng sibuyas. Paminsan-minsan ay tumatango siya o kaya naman ay ngumunguso na ikinairita ko.

"Nakuha mo ba?"

Natauhan siya."ah O-Oo."

Kumunot ang noo ko."Kapag hindi mo 'yan nagawa ng maayos lagot ka talaga sa'kin."

Kitang-kita ko ang paglunok niya. Tumaas ang gilid ng labi ko at iniwan siya sa kusina.

Pumunta ako sa locker upang magpalit ng uniform dahil magbubukas na kami maya-maya lang. Nagising talaga ako para turuan ang isang 'yon. Aka nga nila 'Work earlier for the better' hindi ko lang sure. Kahit anong turo ko *snap* palpak.

Hindi katulad ng ibang kusinero ko. Isang araw lang kuha na nila, gano'n ako kagaling. Ewan ko lang sa babaeng tanga, nilipad yata ang utak sa mars kaya napakahirap turuan.

Natigilan ako sa pagbukas ng locker nang may kumalampog sa bandang dulo ng locket room. Kumunot ang noo ko at nagdalawang isip kung titignan. Sa huli ay hinayaan nalang 'yun.

"Aswang? Tss, kalokohan."

Hinubad ko ang pang-itaas na damit at sinuot ang uniform. Habang tinutupi ko ang sleeves ng wardrobe ko ay nakarinig nanaman ako ng kalampog mula doon.

Love is a Secret IngredientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon