chapter 41

49 12 0
                                    


Chapter 41

BINAON KO ANG ulo ko sa unan at nilabas doon ang mga luha ko. Tanging kwarto ko lang ang nakakarinig ng pag-hikbik ko. Kagabi pa ako umiiyak hanggang sa magising nalang ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak. Kahapon, nung umuwi kami ay dumiretsyo ako dito sa kwarto ko at umiyak.

Ito ba ang sinasabi kong naka-move on? Halos tatlong taon na akong puro iyak nalang, sawa na ako.

Nakarinig ako ng katok sa pintuan ng kwarto ko dahilan para matigilan ako. Pinunasan ko muna ang luha ko bago ko pinagbuksan.

Bakas sa mukha ni kuya ang gulat nang makita ako. Pilit akong ngumiti sa kanya at hindi pinahalata na kaiiyak lang.

"May kailangan ka, kuya?"

"Anong nangyari sa'yo?"

Nakagat ko ang pangibabang labi ko at naguguluhang tiningnan siya.

"Wala naman kuya, bakit?"

"Tsk, namamaga ang mata mo oh."lumapit sya at hinawakan ang pisnge ko."Basa ang pisnge mo. Okay ka lang ba?"

Mahina akong tumawa at ngumuti.

"Okay naman k-kuya."pumiyok ang boses ko. But I still managed to smile."Okay l-lang ako."

Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko para hilain ako papalapit sa kanya. Niyakap niya ako. Napatulala nalang ako at kusang tumulo na ang aking nga luha.

Kahit ilang taon na ang nakalipas, nandoon parin ang sakit at pagsisisi. Tsaka lang sumagi sa utak ko ang lahat.

"M-mahal ko parin siya kuya."humikbi ako."A-ang sakit lang isipin na iba na ang nararamdaman niya para sa akin. Na... hindi na niya ako mahal."

Umiyak ako at niyakap siya. Bumuntong hininga siya at hinaplos ang buhok ko.

Ang kapal naman ng mukha ko kung ayaw kong magbago ang nararamdaman niya. Hawak niya ang puso niya at wala akong karapatang magdesisyon para doon. Kung magkakagusto man siya sa iba, wala na dapat akong pakealam doon. Tutal ako naman ang nangiwan sa kanya.

'Yunn nga ang masakit eh. Ako nalang ang nagmamahal saming dalawa at hindi ko na maibabalik ang nararamdaman niya.

"Si Jaylen?"

Hindi ako umimik. Bumuntong hininga si kuya at pinakawalan ang yakap ko. Lumuluha ako habang nakatingin sa mata niya.

"Kalahati ng papulasyon sa mundo ay lalaki. Marami ka pa namang makikilala at pwedeng mahalin. Wag mong saktan ang sarili mo dahil lang sa kanya, okay?"

Umiling ako, hindi sangayon sa kanya. Marami ngang lalaki sa mundo pero siya lang ang mahal ko.

Tumahan na ako at pinunasan ang luha. Umangat ako ng tingin sa kanya at ngumiti. Pinakita ko na ayos lang ako.

"Ano? Ipapablind date na ba kita?"

"Kuya!"

Love is a Secret IngredientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon