chapter 25

57 11 0
                                    


Chapter 25

ILANG ARAW NA ang nakalipas at mas lalo akong kinakabahan. Gusto kong makita ang reaction ni Jaylen kapag nakaluto na ako. Bukas ay linggo at birthday 'yon ni Urico. Sa susunod na araw naman ay 'yong kay Bongbong mga taga call center ang mga pupunta dito sa lunes.

"Nakakain na ba kayo, Buboy?"

Ngumiti siya at tumango.

Ilang araw ko narin silang nakakausap ni Gong. Ang sabi niya ay meroon na silang maayos na tirahan kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Ang kaso ay wala pa silang trabaho.

In-offer ko nga sila ng trabaho dito sa JLF, ang ganda ng pangalan 'no? Pero tumanggi siya dahil kilala niya daw ang may-ari nito. Nakakapagtaka lang dahil kahit kelan ay hindi ko sila nakitang naguusap ni Jaylen kaya bakit sila magkakilala? Pero sa huli ay pinilit ko parin siya at si Gong. Kakausapin ko nalang si Jaylen.

"Ayos ka lang ba d'yan sa pinagtatrabauhan mo?"

Ngiti akong tumango."Oo at masaya din. Mababait ang mga kasamahan ko lalo na si Jaylen."

Tumango-tango siya."Ah, Jaylen pala ang pangalan niya?"

"Oo, kilala mo ba?"

Tumango siya."Oo, nakikita ko lang siya kapag dumadaan ako dito."

Tumango ako. Hindi ko alam na lumalabas pala paminsan-minsan si Jaylen sa labas ng restaurant niya. Kaya siguro siya pumuputi dahil mukhang hindi siya nasisinagan ng araw.

Pero hindi naman siya mukhang malnurish. Sa totoo lang isang healthy na lalaki si Jaylen. Maganda ang katawan at maputi. Tapos gwapo pa hihi. Ganyan ba talaga ang mga chef?

"Sige sibat na ako. Kailangan ko pang maghanap ng pera para sa amin."

Tumango ako at ngumuti."Kapag may kailangan ka pumunta ka lang sa akin ha?"

Parang may kung anong mabigat ang dumagan sa dibdib ko. Kita ko ang paghihirap nila ngayon. Nalulungkot ako dahil parang wala naman akong ginawang mabuti kahit man lang sa kanila.

"Hindi na, kaya naman namin."

Tumango ako."Basta nandito lang ako. Mag ingat kayo ha?"

Tumango siya at ngiting umalis. Kumaway pa siya nang malayo na. Hindi ko mapigilan ang saya dahil nagkakausap na uli kami. Parang pamilya na siya sa akin kaya ako nakakaramdam ng saya.

Tumalikod ako upang pumasok muli sa loob pero nagulat ako dahil may taong nakatayo habang matalim na nakatingin sa akin.

Kunot noo niya akong tiningnan at si Buboy na papaalis. Bumalik ang tingin niya sa'kin. Awkward akong ngumiti.

"Sino 'yun?"seryoso siya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at sinalubong ang kanyang tingin."K-kaibigan ko lang."

Pero parang hindi siya naniniwala. Tinitigan niya ako ng mas matagal na para bang hinahanapan ako ng butas, pero sa huli ay umiwas din siya ng tingin.

"Tss.."

"Totoo! Kaibigan ko lang 'yun!"nasa boses ko ang pagkukumbinsi. Para bang may kasalanan ako.

"Talaga o manliligaw mo?"

"H-hindi ah! Isa lang 'yun sa mga kaibigan ko nung palaboy pa ako kaya.... hindi ko siya manliligaw."

Walang buhay niya akong nginusuan. Hindi ba siya naniniwala sa'kin? Hindi naman nanliligaw si Buboy, kapatid na nga ang turing niya sa'kin eh. Mabait lang talaga siya.

Love is a Secret IngredientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon