chapter 29

51 9 0
                                    


Chapter 29

"5,470 ANG kita natin nakaraan tapos idagdag mo pa 'yong ngayon." Binilang ko ang pera." 4,689 ngayon, equals 10,159 ang kita ngayong week!"

Naghiyawan lahat at may tumalon talon pa. Tinaas nilang lahat ang mga baso nilang may laman na alak sa ere at nag Cheers sila. Pinatugtug nila ang malakas na musika at sumayaw.

Mahina akong natawa sabay inom ng sarili kong alak na nakalagay sa baso habang pinagmamasdan ang kataranduhan nilang ginagawa.

Naghiyawan silang lahat nung umakyat si emar sa taas ng table na walang pang itaas na damit at sumasayaw habang pinapatugtug nila ang budots. Mukhang lasing na ang gago dahil muntikan pang malaglag sa lamesa dahil sa kalasingan.

"Hoy Julie! May sweldo na ako! Date tayo ha?"lasing na sabi ni Emar.

"Che! Ayaw ko nga!"sabi ni Julie at bumaling sa akin."Hey chef."

Nangiwi ako dahil sa malandi niyang boses. Kapag nahuli talaga siya ng asawa nito ewan ko nalang. Napailing ako. Ibang-iba siya sa nanay niya.

"Chef,"si Tristan."Nakita mo ba si Rose?"

Natahimik ako saglit bago umiling."Wala, bakit?"

"Kahapon ko pa siya hindi makita eh."nag-aalalang sabi niya."Tapos iniwanan niya ako nung isang araw."

Umiling ako."Hindi, hindi ko alam kung saan siya kaya h'wag ka sa akin tumanong."

Napakamot siya sa batok at umalis na. Kahapon ko pa din 'yun napansin. Wala siya dito.

Ininom ko ang alak ko ang pinalibot ang tingin. Kumunot ang noo ko at hinanap ang babaeng tanga. Kahapon pa siya wala dito. Wala naman siyang lagnat para umabsent. Nasa bahay parin ba siya ni Urico hanggang ngayon?

Mapakla akong tumawa. Pake ko kung wala siya? Mas maganda nga 'yun. Seeing her yesterday makes my blood boil. Binalot ako ng galit at disappointed habang nakatitig sa kanya habang hawak niya ang recipe book ng ama ko.

Why the hell is she holding that? Hindi man ako nakakasiguro pero may iniisip talaga akong hindi maganda. Traydor ba siya? Ginagamit niya lang ba ako para makuha ang recipe book? 'Yan ang hindi ko alam. Isa pa, sinabi sa akin ni Mica na may kausap siya kahapon. May ibinigay pa nga daw sa kanya. Nacucurious ako kung anong ibinigay sa kanya ng taong 'yun.

Espiya ba siya? Pinadala ba siya ni Aden bara hibangin ako sa kanya at mawala ang attention ko sa ginagawa ko? Humigpit ang hawak ko sa baso ng alak. Parang may kumirot sa dibdib ko dahil sa naisip. Pinaglalaruan niya lang ba ako? Bakit niya ginawa 'to sa'kin?

Nasaan na siya ngayon? Kahapon pa siya nawawala. Kung wala siya ngayon, nasaan siya?

I was thinking that maybe she left me for good. Sumama na siya doon sa ama niyang gago? Pinaikot niya lang ba ako? Kaya ko nakita siyang ninanakaw ang recipe book ng ama ko? Simula pa lang ba ay nagkukunwari siyang may amnesia? Hindi rin ba totoong.... gusto niya ako?

"Fuck!"napamura ako at binato ang baso na hawak ko. Nasabunot ako sa buhok."Dammit! Niloko ako."

Natahimik ang lahat at tanging music lang ang naririnig. Hindi ko sila pinansin at tumayo para lumabas at magpahangin.

Love is a Secret IngredientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon