Chapter 08"SAYANG 'NO? hindi na ulit nagka-jowa si Chef."
Awtomatiko akong napalingon kay Emar nang banggitin niya ang tungkol doon. Kasalukuyang nasa table kami. Kumakain sila habang ako ay nanonood lang. Pero ang totoo ay nagugutom ako.
"Gusto mo, Rose?"
Nahihiya akong umiling kay Tristan. Alam kong gutom rin siya kaya hindi ko tinanggap kahit gutom ako.
"Wala na ba talaga sila ni Sabie?"tanong ni Mica."Ang sabi ni Sabie gusto parin siya ni Chef."
"Ano?!"bigla siyang sinabunutan ni Julie."Take that back! Walang gusto si Chef sa kaniya. Wala! At sino namang magkakagusto sa bruhatita na 'yun? PI siya, PI siya!"
"Tama si Julie, walang gusto si Jaylen kay Sabie."seryosong sabi ni Rochem."Si Sabie pa ang nanligaw kay Jaylen. Sinagot lang siya ni Jaylen dahil naaawa siya kay Sabie."
Napababa ako ng tingin. Sa tingin ko mali sila. Mahal pa siguro ni Jaylen si Sabie hanggang ngayon. Kita ko ang galit sa mukha ni Jaylen nang makita niya si Sabie. Ang balita nga ay dahil nagkaroon ng ibang lalaki si Sabie.
"Pero bakit hindi na nagka-girlfriend pa si Chef? Ibig sabihin mahal niya pa talaga si Sabie at hindi niya malimut-limutan 'to?"sabi naman ni Chef brix.
"Hindi nga niya mahal si Sabie dahil trinaydor siya nito. Pero kung minahal nga ni Chef si Sabie ay nasa past na 'yun. H'wag niyo nang banggitin pa."
Natahimik sila at kumain nalang.
Bumuntong hininga ako. Kung mahal pa ni Jaylen si Sabie at mahal pa ni Sabie si Jaylen ay may posibilidad na magkabalikan sila. Biglang bumigat ang dibdib ko sa konklusyon na 'yun. Oo labas na ako sa relasyon nila. But for some reason, ayaw ko silang magkabalikan.
Napahawak ako sa dibdib ko. Siguro dahil crush ko si Jaylen. Tama, pero kahit crush lang 'yun ay nasasaktan na ako. Nakakatawa dahil nagawa kong magkagusto kay Jaylen sa loob ng maikling panahon. Mawawala pa siguro ito... hindi ba?
"Rose, bakit hindi ka kumakain?"tanong ni Chef Vince."Sayang ang sarap pa naman ng ulam."
Napatitig ako sa instant noodles nakinakain nila. Ngiti akong napailing. Siguradong kulang pa 'yan para sa kanila.
"Okay lang ako. Wala akong gana."tumayo ako para pumunta sa flower box."Labas muna ako."
Naglakad ako paalis. Narinig ko pa ang bulungan nila.
"Parang ang tamlay ni Rose."
"Hindi naman siya pinagalitan."
Nakarating ako sa flower box at naupo doon. Hindi ko alam kung bakit kumikirot ang puso ko sa topic nila. Pumikit ako at hinayaang tumama ang malamig na hangin ng gabi.
BINABASA MO ANG
Love is a Secret Ingredient
RomanceHatred will never be a solution to your problem. Jaylen Corbyn is a professional head chef of JL's restaurant, raised by his chef father and has a two younger siblings. He's competitive, he wants to be the best, and he wants to succeed. In able to a...