Chapter 38ANG DAMI kong iniisip ngayong araw, lalo na't kagabi. Hindi ko maiwasang isipin si Jaylen nung makita ko siya kahapon, hindi ko alam kung paano huminga at hindi ko alam kung paano pahintuin ang puso kong humaharumentado.
Ang laki ng pinagbago niya. Mas lalong naging maskulado ang katawan niya pero parang hindi man lang siya nagmukhang tumanda, mas gumwapo nga lang.
Napailing ako sa iniisip ko. Pinagnanasaan ko ba siya?
Bumuntong hininga ako at napanguso. Naalala niya pa kaya ako? Iba na ba ang pagtingin niya sa'kin? Ang nararamdaman niya para sa'kin... nagbago na ba?
Mariin akong napa-pikit. Dapat hindi ito ang pinoproblema ko!
"Ches? Nasan ka?"dinig kong tawag ni kuya na nasa loob ng kwarto ko.
"Nasa CR nagtatae, bakit?"
"Putulin mo muna 'yan!"
Napasimangot ako."Saglit lang, kuya!"
Nag-echo ang boses ko sa loob ng banyo. Narinig ko ang reklamo ni kuya at pagsarado ng pintuan ng kwarto. Sa tingin ko nakalabas na siya.
Kakain na kasi kami. Hindi pa sila nakasimula dahil sumama ang tyan ko. Inantay muna nila hanggang matapos ako.
Natapos ako at naghugas ako ng mabuti bago lumabas ng kwarto at nagdiretsyo sa kusina. Nadatnan ko silang nakalukot ang mukha at mukhang gutom na.
"Ang tagal naman non! Bakal yata ang tinae mo eh!"
"Kuya naman! Nasa hapag tayo oh!"
Nanlaway ako habang nakatingin sa hapag kainan, mukhang masarap ang pagkain ngayon. Mukhang nag improve ata ang cooking skills ni kuya.
"Binili ko 'yan sa JLF."
Muntikan na akong mabilaukan sa sarili kong laway. Nagayos ako ng upo. Kaya pala mukhang masarap.
"Oh, na ano ka."mahinang tawa ni kuya nang makita ang reaction ko.
Namula ako bahagya at hindi na nagsalita. Natapos kaming magkain at pumunta kami sa living room para manood ng TV. Sunday ngayon at wala kaming gagawin. Wala kaming trabaho ni Ylla at ni kuya.
Si kuya kasi siya na ang namamahala sa Luxe Xaville ngayon. Hindi na 'yun masyadong sikat tapos tamad pa ang mayari.
"Kuya ilipat mo sa Disney!"
"Ayoko, bata-bata ka."nilipat niya ang channel."Nick jr. Hehe."
"Ang pangit! Mga bata bata kayo!"
Kinuha ni Ylla ang remote at nilipat sa A2Z channel.
"Tss mas pangit ka. Ilipat mo sa kapamilya channel!"
Napasapo nalang ako sa noo ng mag-agawan sila sa remote. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng Coca-Cola at potato chips.
Ding! dong!
Napalingon ako sa pintuan nung tumunog ang doorbell. Nilingon ko si kuya.
"May bisita ka, kuya?"
BINABASA MO ANG
Love is a Secret Ingredient
RomantizmHatred will never be a solution to your problem. Jaylen Corbyn is a professional head chef of JL's restaurant, raised by his chef father and has a two younger siblings. He's competitive, he wants to be the best, and he wants to succeed. In able to a...