chapter 26

61 11 0
                                    


Chapter 26

EVERYTHING IS doing good. Binati ng lahat si boy towel na ngayon ay nasa gitna habang pumapalakpak. Maraming dumalo sa birthday niya and most of them are CEO in big companies. Yung iba naman ay mukang normal naman.

Napangiwi ako habang sinusuri ang porma niya. Wala talaga akong oras na nakikita na hindi niya suot ang towel sa leeg. Pwede na siyang maki budots sa mga tambay d'yan sa kalye.

"Gusto mo? Ang sarap!"sabe ni Rose habang puno ang bibig. Naglahad sia ng plato."Natikman mo na ba? Ako nagluto ng nilagang itlog d'yan!"

"Tanga, ako nagluto niyan."

Ngumiti siya na halos mag siopao na ang pisnge."Grabe, ang sarap mong magluto."

Ngumisi ako."In love ka nanaman?"

Halos humalakhak ako sa tawa dahil sa pamumula niya. Sinundot ko ang pisnge niya at humalakhak sa tawa. Grabe ang cute niya, para siyang siopao na nilagya ng ketchup.

Inakbayan ko siya at ginulo ang buhok gamit ang isa pang kamay. Napansin kong nahihiya siya kaya hinarap ko siya upang magtama ang mga paningin namin.

"Masanay kana dahil simula ngayon ma s-surprise kana sa mga gagawin ko."lumapad ang ngisi ko at inakbayan siya.

Feels good. Yeah, ang sarap niyang akbayan o kaya naman yakapin. Parang hindi yata ako magsasawang gawin 'to araw araw.

Something about her makes me feel comfortable. Kapag nandyan siya tanggal ang stress ko maliban nalang sa pagsisigaw ko. Yes I admit it, masyado ako moody, so what? Alam ko naman na nagkagusto siya dahil sa ugali ko.

Napalingon ako sa pintuan ng restaurant nang bumukas ito. Namilog ang mata ko at tinanggal ang akbay kay Rose t'saka siya hinala papasok sa kitchen.

"Shit!"

"Baki—hmm! Hmm!"hindi na siya nakasalita pa dahil tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.

Sinenyasan ko siyang h'wag maingay at nilingon si Franklin na malapad ang ngiti habang palinga-linga sa restaurant. Hinahanap yata ako.

"Jayl—"

"Shh!"

Tinikom niya ang bibig niya na parang tuta. Pinandilatan ko siya ng mata at sinenyasan na h'wag maingay. Inosente siyang tumango.

"Anong meron?"pabulong niyang tanong.

"Basta."may kinuha ako sa kabinet sa ilalim at inabot sa kanya."dito ka lang. H'wag kang maingay, maliwanag?"

Ngiti siyang tumango at tinanggap ang garapon ng gummy na hugis donut. Sinuklay ko ang buhok niya habang nginunguya niya 'yon. Nginitian ko siya bago ako lumabas ng kusina.

Hinanap ng mata ko si Franklin at nakita ko siyang kumakaway sa akin. Nilapitan ko siya habang nakapamulsa.

Hindi sila pwedeng magkita ni Rose lalo na't magkapatid silang dalawa. Oo mabubugbug ako ni Franklin kapag nalaman niyang nasa akin ang nawawala niyang kapatid, pero... ayaw kunang mawala si Rose sa tabi ko. Sigurado ako na kapag kapag magkita sila ay ilalayo niya si Rose papalayo sa'kin.

Love is a Secret IngredientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon