Part 31

156 25 11
                                    

-Demi POV-

Nagsimula ang speech ni Perry habang kami ni Bree ay nanatiling nakatulala sakanya sa gilid ng stage. Nasalikod niya ang dalawang lalaking nakita namin kanina maging si Owen.

"Siguro ang iba sainyo ay hindi ako kilala." Sabi ni Perry sakanila. "Isa lang kasi akong studyanteng hindi pansinin na laging tahimik at hindi sanay makihalubilo sa iba. Siguro sa iba, maaakala nila na isa lang akong tipikal na estudyante na laging nakaupo sa dulong upuan. Nag-iisa at nag-aaral." Dagdag niya at napahinga na siya ng malalim. "Now, I want to introduce myself to you. I'm Perry De Luca, the princess of Belvedere Le Saphir."

At nagpalakpakan ang mga tao dito sa auditorium. Napangiti si Perry at napatingin kila queen Aitana. "I want to thank queen Aitana and king Aeson for taking care of me. They hide my identity dahil pinakiusapan ko sila. Alam ko kasi ang tingin niyo sa grupong hinahawakan ko. Isang grupo na may mga kriminal na miyembro, protektado ng gobyerno kaya hindi pinapakialaman ng iba."

Napahinga ako ng malalim at napatingin kay Bree. "Si Perry pala." Mahinang usal ko at hindi ako pinansin ni Bree.

Ilang sandali ay lumapit si Bree sakin kasabay ng paghawak niya sa kamay ko. Natigilan ako at napatingin sakanya. "I still gonna choose you, Demi."

"Bree." Sabi ko at biglang..

"Also, I want to thank Owen, my cousin and my tito Franco for supporting me as their queen." Dagdag ni Perry at nanlaki ang mga mata kong napatingin sakanila.

"Tito niya ang pangalawang kamay niya." Mahinang usal ni Bree at napatingin ako sakanya. "Ang tatay ni Owen."

"Alam mo?"

"Sinabi lang sakin ni Dad." Sabay harap ni Bree sakin. "Siya ang nakipagkasundo nung oras na humingi si Harlow ng tulong kay daddy."

"Tulong?" Tanung ko at napakunot ang noo ko.

"Nakuha kasi nila ang magulang ni Harlow. Kaya humingi si Harlow ng tulong kay papa, at doon niya nakilala si Franco na tatay ni Owen." Sabay krus ng mga kamay ni Bree at napasandal pa siya. "Gumawa sila ng kasunduan na proprotektahan nila papa si Perry. Itatago ang identity niya hanggang sa kaya na niyang pamunuan ang Belvedere Le Saphir. I guess ito na ang araw na yun."

"Anung kapalit?" Tanung ko at napatingin si Bree sakin.

"Ang pagkakaroon ng kapayapaan sa magkabilang grupo." Sagot ni Bree sakin. "They hide Perry kasi hanggang ngayun hindi pa nila alam kung sino ang pumatay sa mga magulang niya."

"Yung car accident?" Tanung ko at napatingin si Bree sakin. "Kinuwento niya sakin na may nagpasabog ng sasakyan ng magulang niya."

"At si lola ang tinuturo nilang gumawa nun." Sagot ni Bree at napapasok na pahinga siya ng malalim.

"Lola mo?"

"Pakiramdam nila Franco na ang nagkidnap samin ni Demi at ang pumatay sa magulang ni Perry ay iisa." Sabay tingin ni Bree kay Perry. "Hindi ko talaga alam kung magtitiwala ako sa grupo nila."

"I hope this event will be the start of our friendship and peace to our group queen Aitana." Sabay ngiti ni Perry kay mama. "Lalo na't kaibigan ko po ang anak niyo. Anyway, thank you for welcoming us and good luck to the intramural."

Natapos ang speech ni Perry at nagsimula na ang pagtatanghal. Sila Bree ang unang sumalang bilang panimula ng palabas.

"Perry." Mahinang usal ko ng makita ko siya sa backstage. Napatingin siya sakin at napangiti. "Ikaw pala ang—" At lalapit sana ako sakanya ng bigla siyang harangan ng dalawang lalaki na may malaking pangangatawan.

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon