Part 49

57 19 6
                                    

-Perry POV-

Nanaig ang katahimikan dahil sasinabi ng tito ko sakin. Wala akong masagot sakanya at tanging paghinga ko lang ang nariring ko. Hindi ko alam ang gagawin dahil nasanay akong nakaalalay kay Demi. Ayokong iwan siya lalo pa't pinapahirapan siya ng mga to!

"Perry.." Mahinang sabi ni Demi sakin at napatingin ako sakanya.

Puno na ng pawis ang katawan namin at ramdam ko na din ang pagod. "Hindi kasi makakalaban ang mga ito sainyo kung kulang ang players namin." Dagdag ni tito at napakuyumos na ang mga kamay ko. "Baka lang gusto mong tulungan kami. Hindi kasi kami papayag na matalo kami basta dahil lang kulang ang players namin."

"Tss!" Inis ko pa sakanya. Natigilan ako at napatingin kay Cali.

Kung sasali ako sakanila.. Maproprotektahan ko si Demi kapag ako ang magbabantay sakanya.

"Sayang naman ang larong ipinunta namin kung hindi kami makakapaglaban ng patas sainyo." Dagdag niya at muling nagsigawan ang mga tao.

"Tama! Pamunuan mo na yang grupo niyo Perry!"
"Queen Perry Vs. Zeine Demi!"
"Maganda nga ang laban!"

Sigaw ng mga Belvedere students na parang pinagplanuhan nila ang lahat.

Kainis!

Napahinga ng malalim at napatingin ako kay King Aeson. Nakakrus ang dalawang kamay niya at napatango pa.

"Mukhang sang-ayon siya sa tito kong abnoy!" Mariing sabi ko at napakunot pa ang noo ko. Napahinga ng malalim at kinuha ang bag ko sa bangko namin maging ang bote ng tubig.

"WHOAH!"
"ITO NA!"
"Lilipat na siya ng grupo!"

Sigaw nanaman nila at napahawak na ko ng mahigpit sa bag ko.

"Perry!" Sigaw ni Demi at napatingin ako sakanya. "Mag-ingat ka."

"Ituring mo kong kalaban ngayun." Seryosong usal ko at natigilan siya. "Dahil ituturing kitang hindi kilala Demi."

At biglang naghiyawan ang mga tao sa sinabi ko!

"Demi." Rinig kong sabi ni coach sakanya. "Hindi ka muna lalaban at titignan muna natin ang laban nila."

"Pero coach!"

"Hindi ako bulag Demi para hindi ko makita ang mga ginagawa nila sayo." Dagdag ni Coach at napanatag naman ang loob ko sa sinabi niya. "Magpahinga ka muna at sa 4th quarter kita ipapasok. Sa ngayon panuorin mo muna si Perry at pag-aralan kung pano sila maglalaro kasama siya."

"Ayun oh! The queen has arrived!" isang pang-asar na usal ni Cali sakin sabay yakap pa! Napangiti siya at napapatapik sa likod ko.

"Pwede ba." Inis ko sabay layo sakanya. "Hindi tayo close para ganyanin mo ko."

"HAHAHAHA!" Sarkastikong tawa niya pa. "Pero kailangan eh.. Lalo pa at makakalaban mo ang kaclose mo."

"TSS!" Inis ko at muli nang pumito ang referee para magsimula na ang laban.

Agad nilang ipinasa sakin ang bola. Binantayan ako ng mga kaibigan ko para hindi makalusot sakanila. Nakakainis dahil ramdam ko ang pagtalikod ko sakanila at ang pagpili ko sa grupo ni Cali.

"Perry dito!" Sigaw ni Cali sabay taas niya ng kamay niya.

Hindi ko siya pinansin at napatalbog ako ng bola sa kanan kasunod sa kaliwa sabay lagpas ko sa nagbabantay sakin! Agad akong nagpunta sa ring ng Belvedere at dunk ng bola!

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon