Part 43

63 21 4
                                    

-Demi POV-

Natapos ang practice at umuwi na agad kami ni Bree. Pagod at puno ng pawis ang katawan ko dahil sa pakikipaglaro ko sakanya.

"Dito na tayo." Sabi niya at napatingin ako sa bahay. Dala ko ang skateboard samantalang nakabike naman siya.

"Sige. Umuwi ka na at papasok na ko sa bahay." Sagot ko sakanya. Napahawak ako sa gate namin para pumasok ng bigla niya kong hawakan sa kamay. Natigilan ako at napatingin kay Bree. "Bakit? Anu nanaman yun?"

"Hala ang sungit naman nito!" mariing sabi niya sakin. Napakunot ang noo ko at napakamot naman siya ng ulo na parang may gustong sabihin.

"Anu ba kasi yun?" Tanung ko at lumapit pa si Bree sakin habang nakaupo pa din siya sa bike niya. "I-Iaadd kita sa facebook ah.." Nauutal na sabi niya sakin. "Iaccept mo ko."

"Tss." Inis ko at napapalag na ko sakanya.

"Demi naman eh!"

"Wala akong pictures sa facebook kung gusto mong kumaha dun, ok?" Sabi ko at napabagsak na ang balikat niya. "Wala kang maisstalk doon kasi hindi naman ako masyadong nagFFb, tyaka si Perry lang ang friend ko doon at si Owen."

"Tss! Iblock mo na si Owen!" Inis na usal ni Bree sakin. "Iaccept mo ko! Gawin mo nang in a relationship yung status mo dun! Sesendan kita ng in a relationship request mamaya at i-accept mo!"

"HUH?!" Sigaw ko at napanguso naman si Bree sakin! "At bakit naman ako papayag maging in a relationship kita sa social media? Bakit tayo ba?!"

"DEMI NAMAN EH!" Sigaw nanaman niya ulit sakin.

Tss! Para siyang batang nagtatantrums! Napakseloso nito!

"Tss! Umuwi ka na nga!" Inis ko at napatalikod na ako sakanya.

"Susunduin kita ulit bukas ah! Iaccept mo friend request ko pati in a relationship request!" At napangiwi na ko dahil sa nakakairitang boeses ni Bree! "PARA MAKITA NI OWEN NA NAKA-IN A RELATIONSHIP KA SAKIN DEMI!"

"UMUWI KA NA!" Sigaw ko pa at napakaway na siya sakin. Inis naman akong binalibag ang gate namin! "Nakakainis talaga yung lalaking yun!"

"Oh bakit parang naiinis ka diyan?" Isang mahinhin na boses ang bumungad sakin. Napaharap ako sakanya at sinugod naman niya ko ng yakap. "Kanina pa kita inaantay."

"Ma." Mahinang usal ko at kukunin na niya sana ang bag ko ng bigla kong hawakan ito ng mahigpit. Napakunot ang noo niya at napatingin dito. "Ako na po ang magdadala ng bag ko, mabigat po iyan. May jersey po kasi diyan at gamit pang basketball kaya.."

"It's fine." Nakangiting sabi ni mama at bigla niyang kinuha ang bag ko. Napabaluktot ng bahagya katawan niya dahil sa bigat nito.

"OHH MA!" At agad akong napaalalay sakanya. Napatingin siya sakin at mahiya hiyang ngumiti.

"A-Ang bigat pala talaga." Sabi niya at isusukbit na niya sana sa braso niya ang bag ko ng bigla ko na itong kuhain sakanya.

"Itong skateboard na lang po ang hawakan niya at ako na dito sa bag ko." Sabi ko at napaabot ako ng skateboard sakanya. Napangiti siya at kinuha ito mula sakin.

"Tara nagluto ako ng favorite mong gamjatang." Nakangiting sabi niya sakin.

Gamjatang is pork back bone stew in korean.

"Talaga po?" Excited na tanung ko at bigla akong nagutom! "Tamang tama po yun sa pagod ko galing practice."

"Mag-ayos ka na at ihahanda ko lang yung pagkain." Sabi ni mama ng makapasok kami sa bahay.

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon