Part 46

61 23 4
                                    

-Bree POV-

Pumunta kami sa kanya kanya naming kwarto upang magpahinga. Nag-ayos ako ng sarili at humiga na din sa kama.

"Hays" Isang malalim na hininga ko habang nakatingin sa kisame. "Nakakapagod ngayung araw. Pero ok lang kasi kasama ko naman si Demi."

At bigla kong natuon ang atensyon ko sa bag ko. Doon ay kinuha ko ang cellphone ko para itext si Demi. "Imsg ko nga siya sa fb." Mahinang usal ko sabay ngiti. "Namiss ko na agad eh."

Pumunta ako sa fb at agad na hinanap ang kanyang pangalan. Napakunot ang noo ko ng biglang.. "Anak nang!" Inis ko at napatayo ako sa kama! "Hangang ngayun nakablock pa din ako sakanya! YAH! BAKIT?!" Sabay tingin ko sa pinto ko. Inis akong lumapit dito at parang hahawakan ko na ang doorknob para kausapin si Demi na iunblock ako!

"Pero hindi pwede." Mariing sabi ko at napakagat na ko sa thumb ko. "I can't say that to her. Mukha akong patay na patay sakanya." Sabay lakad ko palapit ng kama. "Pero gusto ko na siya makausap." At lakad nanaman palapit sa pinto. "Hindi hindi hindi! Hindi pwedeng magmakaawa akong iaccept niya ang friend request ko."

At naibaling ko ang tingin sa salamin. Doon ay nakita ko ang sariling nakanguso na parang hindi pa alam ang gagawin. Napakunot ang noo ko sabay turo ko dito. Marahan akong lumapit at sinimulang kausapin ang sarili! "Hindi ka pwedeng magmakaawa kay Demi sa simpleng friend request lang Bree." Bulong ko at lumapit pa ako sa salamin. "Isa kang Zoi. You're the next king. May pangalan kang inaalagaan. Hindi ko ibababa ang sarili ko para lang sa friend request na yan."

At biglang napahawak ng mahigpit ang dalawang kamay ko sa salamin. Tumitig ng maigi dito at napapahinga pa ng malalim. "Dapat siya unang magsend. Isa akong Zoi at maraming patay na patay sakin na babae. Friend request lang ya—-" At biglang..

"AAIIISHHH!" Inis ko at napatalikod na ko sa salamin! "BAKIT NAMAN KASI!" Sabay hawak ko sa ulo ko na parang nasisiraan na. "N-Nababaliw na ba ko? Kinakausap ko na ba sarili ko dahil lang kay Demi?"

Mga tanung sa isip ko pero hindi ko masagot. Sakanya ko lang ito naramdaman. Ang karera ng puso ko na parang gustong gusto pumunta sakanya! Ang oras kong bumabagal sa mga tingin niya sakin! Ang mga ngiti niya na parang na kakahulog talaga. Tapos yung mga banatan niya sakin kung minsan! Kung isa siyang lalaki baka nagpabuntis na ko sakanya..

"ARGGGHHH!" Inis ko at inilahad ko ang kamay ko sa ere kasabay ng pagbagsak ng katawan ko sa kama. Napahinga ng malalim habang nakatingin sa kisame. "Kahit hindi kita kaharap ngayun ikaw pa din ang nakikita ko. Maski nakapikit ako mukha mo yung nakikita ko!"

Napaayos ako ng higa sa kama at nakatingin pa din sa kisame. Nag-isip kung anung pwede kong gawin bukas dahil may laro siya. "Ayaw niya kong papuntahin sa laro niya. Pano ko manunuod?" Sabay nguso ko pa. "Gusto kong manuod pero sabi niya hindi siya makakapag focus."

Napatagilid ako at napanguso. "Nakakainis naman. Bukas ko na nga isipin at makatulog na nga." Mahinang usal ko at pinatay ko na ang ilaw.

Umayos ng higa at sinimulang matulog. Pero ilang sandali lang..

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may tumakip ng bibig ko! Napapalunok dahil sa takot ng diniinan niya pa ang pagkakatakip sa bibig ko. Marahan niyang inilapit ang hintuturo niya sa bibig senyales na wag akong maingay. Natigilan ako ng lumapit pa siya sakin. Napakunot ang noo ng maramdaman ko ang mahaba niyang buhok at ang pamilyar na pabango.

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon