Part 57

34 14 0
                                    

-Bree POV-

Iniwan kami nila Perry dito at tanging si Demi at ako na lang ang natira. Nanatiling nakanguso siya sakin habang nakapamewang pa.

"Halika na nga." Sabi niya at padabog nanaman siyang naglakad palayo sakin.

"Wait saan tayo pupunta?" Tanong ko at inis nanaman siyang lumingon sakin.

"Sa angkan mo! Yung mga lion and tigers!"

"Luh?! Bat ako nanaman hindi ba dapat ikaw yun? Kasi kung magalit ka---" Papahinang sabi ko at napaturo pa ako sa sarili ko. Napaseryoso pa ang tingin kasunod ng pagsalubong ng mga kilay niya!  "Sabi ko nga tatahimik na ko."

"Tss!"

Ilang sandali pa ay nakapunta na kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang sandali pa ay nakapunta na kami. Napahawak si Demi sa railings at pinagmasdan maigi ang dalawang tigre sa harap namin.

"RAWR! RAWR!" Sigaw ko at napatingin si Demi sakin. Natawa naman ako habang nakahawak pa ng mahigpit sa railings. "RAWR!"

"Anung ginagawa mo?"

"Tinatawag ko yung tigers sa harap natin." Sagot ko at napaturo pa sakanila. "Tignan mo nakatingin na sila satin."

"Tss! Sa ingay mo titingin talaga sila sayo." Iritableng sabi nanaman niya sakin. "Alam mo bang may lahi silang pusa? Kaya kung gusto mong tawagin sila dapat ganito." Sabay tingin ulit niya sa tigers at lahad pa ng kamay niya. "Ming.. Ming.. Ming.."

Natigilan ako at nanatili ang tingin sakanya. Napahawak sa tyan ko sabay.. "BWAHAHAHAHA!" Isang malakas na tawa ang pinakawalan ko at napalingon sakin si Demi. "Anung tingin mo? Pusa yang nasa harap mo para tawagin ng ganya—" At bigla nanaman niya kong binatukan! "ARAY!"

"Pusa naman talaga sila ah!" Inis niya sakin at napahawak ako sa ulo ko! "Bakit?! Hindi ba sila pusa?!"

"Eh mga tigre yan tyaka—"

"Tss! Tignan mo nga!" Inis niya at napaturo siya sa tigre habang nakatingin siya sakin. "Tignan mo nakatingin na sila sakin!"

Napalingon ako at nanlaki ang mga mata ko ng lumapit sila samin. Parang gusto nilang magcross sa manmade river para lapitan si Demi!

"P-Panong?"

"Tss! Dyan ka na nga!" Inis niya at napasipa pa siya sa binti ko.  Agad kong hinawaka ito habang nakatingin kay Demi na padabog nanaman maglakad palayo sakin.

"Aray ang sakit." Mahinang usal ko pa ng biglang magvibrate ang phone ko. Napakuha ako dito at sinagot ang tawag.

"Hello?"

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon