Part 38

61 22 8
                                    

-Bree POV-

Nagising ako ng nakaharap kay Demi. Nakangana siya kung matulog at humihilik pa. Napalapit ako sakanya at pinagmasdan ang kanyang magandang mukha. May matangos na ilong at bilugin na mga mata. Mapupulang labi at ang kanya mahahabang pilikmata. Para siyang isang manikang mamahalin at talaga ko namang mamahalin.

Napabalikwas siya ng pwesto dahilan para tumalikod siya sakin. Napabaluktot ang katawan niya at agad ko naman siyang hinawakan sa bewang dahil parang mahuhulog na siya sa kama. Napahinga  ako ng malalim ng mapalapit pa ang katawan ko kay Demi. Iniangat ko ang ulo niya ng bahagya para mailagay ko ang braso ko dailan para mapaunan niya ang ulo niya dito. Marahan ko siyang hinatak palapit sakin para hindi siya mahulog sa lapag.

Napayakap sa bewang niya at napangiti pa. Amoy ko ang mabango niyang buhok maging ang pabango niyang suot. "Mahal na ata talaga kita Demi." Bulong ko sabay ngiti pa.

"Talaga?" At natigilan ako ng bigla siyang magsalita. Napalingon siya sakin at nagtugma ang paningin namin. "Mahal mo na ko?"

"H-Ha?" Nauutal na sambit ko. "Baka nananaginip ka lang?"

Humarap si Demi sakin at tumingin pa ng seryoso. "Kung panaginip yun buti na lang nagising ako agad." Sagot niya at napakunot ang noo ko. "Grabe naman yung bangungot kong yun."

"LAH! Sinasabi mo bang ayaw mong mahalin kita?!" Inis ko at napaupo na si Demi. Napaupo din naman ako at agad na nagsalubong ang dalawang kilay ko.

"Tss! Aminin mo na kasi."

"Ang alin?!" Inis ko at napalapit siya sakin. Tinignan niya ang mga mata ko kasunod ng mapang-akit na tingin sa labi ko. Napalunok ako ng bigla niyang kagatin ang labi niya sa harap ko.

"Aminin mong mahal mo na ko." Sabay lapit niya pa na halos isang pulgada na lang ang layo niya sakin. "Jae-son Bree."

"AY DYOS KONG MAHABAGIN!" Isang sigaw at agad kaming napalayo ni Demi sa isa't isa! "Mga bata kayo! Nalingat lang ng kaonti ang magulang niyo!"

"L-Lola?" tanung ni Demi at napalapit na si Dean Fontanilla samin!

"Anung ginagawa niyo ha?! Naghahalikan ba kayo?!" Galit na sigaw niya habang nakaturo pa. Halata ang panlilisik ng mga mata niya maging ang nagpuputukan niyang mga ugat sa leeg.

"W-Wala po kaming ginagawa lola!" Mariing sabi ni Demi at lalo nang umakyat ang dugo ni Dean Fontanilla sa ulo!

"DEMI! Hindi porket tinanggap mo ang pagiging Zeine, Isusuko mo na ang bataan mo!" At nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Demi. Napahawak sa noo si Dean at napayuko naman si Demi sa hiya! "MGA BATA KAYO! Anu na lang ang sasabihin ng iba?! Nasa iisang kwarto at kama pa kayo tapos sasabihin niyo sakin na wala kayong gina—"

"Wala naman po kasi talaga lola!" Mariing sabi pa ni Demi ng biglang bumukas ang pinto. Napatingin kami sakanila at natigilan naman sila samin.

"Dean Fontanilla?"-Queen Aitana
"Mama."-Tito Drei and tita Evie
"Tita."-King Aeson
"Lola." -Zai

"At kayo?! San kayo pumunta?!" Isang inis na usal ni Dean.

"Po? Kakarating lang po namin." Sabi ni tito Drei at tuluyan na silang pumasok ng kwarto. Napatingin sila samin ni Demi.

"Lumapit nga kayo dito at kakausapin ko kayo!" Inis ni Dean at napalapit na sila mama sakanya. Umupo sila sa sofa at napaharap naman si Dean sakanila, si Zai naman ay pumunta sakin.

Natatawa ako kasi para silang mga batang papagalitan ni Dean.

"A-Anu po bang nangyare?" tanung ni King Aeson.

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon