Part 51

49 16 9
                                    

-Demi POV-

Natapos ang laban namin sa basketball at simula nung sinagot ko si Bree ay hindi na naalis ang paningin niya sakin. Laging siyang nakadikit at kahit saan ako magpunta ay nandun siya.

"Lumayo ka nga sakin!" Mariing sabi ko at napatulak pa ako sakanya. Napanguso siya at napayuko. "Ang init init nakayakap ka sa braso ko."

"Bakit ba?!"

"Oo nga kuya! Para kang koala na laging nakayakap sa puno." Singit ni Zai at napatingin ako sakanya! "But ate Demi, it doesn't mean that you're a tree po ah!"

"Tara Demi. Laban tayong basketball." Pag-anyaya ni king Aeson sakin. Nandito pala ko sa bahay nila Bree at kasama ko sila mama para magcelebrate ng pagkapanalo ko. Inabot ni King Aeson ang Psp controller sakin sabay ngiti. "Kung gusto mo lang naman."

"Ay sige po." Sagot ko at napakuha na ko ng controller.

"Tsk. Tsk. Tsk." Sabi ni Bree at napatingin kami sakanya. "Sigurado ka po Pa? Kakalabanin mo po talaga si Demi?"

"Oh bakit? Laruin namin yung bagong bili kong NBA 2k—"

"Saakin nananalo ka pa po." Sabay tayo ni Bree at krus ng dalawang kamay niya. "Pero kay Demi parang hindi ata."

"I agree po Pa! Parang you'll lose po." Singit ni Zai at natawa naman ako sakanila.

"Hindi po ko masyadong magaling sa Psp Games." Sabi ko at napatingin si King Aeson sakin. "Kaya sigurado po kong mananalo kayo sakin."

Napangiti si king Aeson sakin at lumapit na kami sa TV nila. Nagsimula ang laban namin at totoo ngang magaling siya. Napahinga ng malalim at sumeryoso na ko ng tingin sa TV.

Ilang minuto ang nakalipas..

"WHAT THE?! Pang limang talo ko na to!" Inis niya at napatayo pa.

"See! Sabi naman namin ni Zai sayo pa!" Sabi ni Bree kay King Aeson. "Hindi ka po mananalo kay Demi! Magaling po siya, natalo nga po niya yung Belvedere kanina."

"Yes! Ate Demi is my idol na po kuya!" Singit ni Zai at napangiti siya sakin. Lumapit siya sakin at niyakap ako. "She's my ate na po since sawa na po ko kay kuya Jae."

"What?! Sawa ka na sakin?!" Tanong ni Bree sakanya at napaturo pa siya sa sarili niya.

"I'm just kidding kuya." Natatawang usal ni Zai at napaupo na siya sa tabi ko. "Let's play po later ate Demi ah?"

"Sure sure." Sabi ko at napahaplos na ko sa buhok niya. "Laro tayo mamaya."

"Guys let's eat." Sabi ni Queen Aitana na kasama si mama. Napatayo ako at sumunod na kami sa hapag kainan nila.

Nakahain na ang lahat at umupo naman ako sa tabi ni mama at papa. Katapat ko si Jae na katabi ni Zai at king Aeson. Nasa dulong bahagi naman si Queen Aitana nakaupo para makita niya kami.

 Nasa dulong bahagi naman si Queen Aitana nakaupo para makita niya kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon