Part 56

44 14 1
                                    

-Demi POV-

Nagyaya si Bree na mamasyal dito sa manila na kasama sila Perry at Maeve. Gamit ang sasakyan ni Bree at siya naman ang driver namin.

Sa likod nakaupo sila Maeve at Perry samantalang katabi ko naman si Bree sa harap.

"So saan niyo kami balak ipasyal?" Tanong ni Bree at nagkatinginan kami ni Perry. "Around Manila lang ba?"

"Kayo kung saan niyo gusto." Sabi ko at napatingin si Bree sakin. "Baka may gusto kayong place like park or zoo?"

"May malapit na zoo dito if gusto niyo." Sabi ni Perry at napasandal siya. "Sa Manila Zoo."

"Oh yeah! Parang alam ko yung lugar na yun." Sabay tango pa ni Bree "I think napuntahan ko na yun nung bata pa ako with my mom and dad."

"We can go there if you want. Mura lang naman ang bayad."-Perry

"What time ba bukas nun? Is it open na ba?" -Maeve

"I think open na siya since 8am ang bukas nila and it's already 10." Sagot ni Perry habang nakatingin siya sa relo.

Napatingin ako sa salamin at napasandal. "Bat parang alam mo yung oras at ano ng Manila Zoo? Nagtrabaho ka ba dun? Or binili mo yun?" Pabirong tanong ko kay Perry at napatingin siya sakin. "I think hindi pa ata ako nakapunta dun."

"It's my favorite place kasi. So lagi akong nandun."

"Alam mo, Demi." Singit ni Bree at napalingon siya sakin. "Pumupunta dun si Perry para makita niya best friend niya."

"Best friend?" At napalingon ako kay Perry sabay salubong pa ng kilay ko.

"Oo. Kapag di ka niya mahanap. Ayun, dun siya nagpupunta kasi sure siya nandun kaaaaaa!" Papahabang usal ni Bree ng bigla ko siyang kurutin sa tagiliran! "Aray!"

"Peste ka talaga!"

"Joke lang! Ito hindi to mabiro! Nagdridrive pa naman ako!" Inis niya sakin!

"Nang aasar ka nanaman kasi!" Sabay hinga ko ng malalim at napapigil naman ng tawa sila Maeve samin.

"Nang aasar ka nanaman kasi!" Sabay hinga ko ng malalim at napapigil naman ng tawa sila Maeve samin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa Manila Zoo. Binuksan naman ni Bree ang pinto ng kotse niya para sakin samantalang sila Maeve ay excited nang pumasok.

"Dahan dahan lang." Sabi ni Bree habang nakahawak sa ulo ko. "Baka kasi mauntog ka tapos matauhan."

"Baliw." At hinga ko ng malalim sabay ayos ng damit ng tuluyan na kong makalabas ng kotse.

"Tara Bree!" Sigaw ni Maeve at napangiwi naman ko.

"Tss." Inis ko at napatingin si Bree sakin. "Oh bakit?"

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon