Part 47

66 21 4
                                    

-Demi POV-

"ANUNG GINAGAWA MO DITO SA KWARTO NI PERRY?!" Isang malakas na sigaw ko at agad ko siyang binatuhan ng unan!

Nasa harap ko si Bree na nakahubad pang itaas pa. Halata na bagong ligo dahil sa basang buhok at ang towel na nakasabit sa balikat niya. Nakahubad pang itaas at nakaboxer short lang siya.

"BAKIT KA BA KASI NANDITO?! ANG MANYAK MO TALAGA!" Isa pang sigaw ko at napatakip na ko ng katawan gamit ang kumot.

"Pwede ba Demi!" Inis niya at napaturo siya sakin. "Ikaw tong lasing na lasing kagabi at pumasok ng kwarto ko nanaman!"

"A-Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto at ni isang damit o gamit ni Perry ay wala.

"Ngayun narealize mo din." Inis na sabi ni Bree at napakrus na ang dalawang kamay niya.

Napanguso ako kasabay ng pagkunot ko ng noo sakanya. "Bakit ba kasi hindi ka nagsasara ng pinto?! Tyaka bakit naman ako nagpunta dito?!"

"Wala ka bang maalala sa ginawa mo kagabi?" Tanung ni Bree at napalapit siya sakin. Umupo siya sa kama at nakipagtitigan pa. "Yung ginawa mo sakin kagabi?"

"Anung ginawa sayo kagabi? Baka ikaw ang may ginawa sakin?!" At napakuha na ko ng unan para ipangtakip sa katawan ko.

"Huh?! Ikaw nga tong nanghalay sakin kagabi eh!" Inis niya at napaturo pa siya sakin!

"N-Nanghalay?! HOY!" Sabay tayo ko ng kama at napamewang pa ko sa harap niya! "Hindi ako pumapatol sa koreanong supot no!"

"ANUNG KOREANONG SUPOT?!" Sigaw ni Bree at napatayo na din siya sa kama sabay inis na ngumuso sakin! "Ikaw nga tong nangangain ng tao kapag lasing!"

"Anung nangangain?! Bakit kita kakainin?!" At napahinga pa ako ng malalim. "Hindi ako kumakain ng panis na pagkain no!"

"Ah ganun?!" At lumapit pa siya sakin sabay turo ng leeg niya. "So sino may gawa nito Ha?! Yung ipis ganun?!" Natigilan ako ng makita ang mga bakat ng ngipin sa leeg ni Bree! Ang pamumula nito at parang namamaga pa. "Tyaka ito oh! Meron din ako sa braso!"

"Bakit naman kita kakagatin?! Hindi ka naman masarap!"

"Ah hindi pala masarap?" Sabay lapit niya sakin dahilan para mapaatras ako. Napalunok ako dahil sa seryosong tingin niya sakin. "Sinong hindi masarap?"

"Ikaw." At napaatras nanaman ako dahilan para mapasandal ako sa pader. Kinorner niya ko at tumingin pa sa labi ko! Napalunok ako ng biglang magtugma ang paningin namin sa isat isa't isa.

"Hindi ba talaga ako masarap?" Tanung niya at nagsalubong na ang mga kilay ko. "Eh bakit parang sarap na sarap ka kagabi sa labi ko?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napatingin sa labi niyang namamaga! "A-Ano?!"

"Tss. Kung makasipsip ka nga sa labi ko parang umiinom ka lang sa straw." Dagdag niya at bigla na kong namula! Lumapit pa siya sakin at tumingin sa labi ko. "Anu yung sabi mo kagabi?" Sabay baling  niya ng tingin sa iba. "Nakakatakam ka Br—"

"TAMA NA!" Sigaw ko at napatakip na ko ng tenga! "Ang sakit sa tenga ng sinasabi mong mga kasinungalingan!"

"Anung kasinungalingan sa mga sinabi ko huh?!" Dagdag niya at natigilan ako. "Tyaka may isa ka pang sinabi sakin no!"

"Tss! Wala akong maalala kaya hindi ako maniniwala sa sinasabi mo."

"Pero may sinabi ka nga sakin!" Mariing sabi niya at napayuko na siya. Bigla siyang namula at napapalunok pa.

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon