Part 32

88 24 10
                                    

-Demi POV-

"Magising ka sana sa isang halik ko, Aurora." Bulong ko kay Owen at marahan ko nang inilapit ang labi ko sakanya.

Rinig ang bulungan ng mga tao sakin. Ang ex ko na hahalikan ko ngayun. Ang labi niyang mapupula na matitikman ko na ulit. Gusto kong halikan si Owen upang malaman ang estado ng nararamdaman ko sakanya. May gusto lang akong liwanagin sa aking sarili.

Sobrang naguguluhan na kasi ako nitong mga nakaraang araw. Ang mga ginagawa sakin ni Bree na nakakapanginig ng mundo kong nanahimik. Ang mga ngiti at titig niya na nakakapagpatigil sakin. Ang mga sinasabi niyang dumederetso sa puso ko na halos hindi na ako makahinga sa bilis ng tibok nito.

Alam kong magseselos ka sa gagawin ko Bree. Pero hayaan mo kong matikman ang pagmamahal ko kay Owen upang ako'y maliwanagan. Gusto ko nang malaman kung mahal ko pa ba siya o ikaw na ang pumalit sakanya. Nais kong maintindihan ang lahat para alam ko na ang gagawin ko sayo Bree..

Napapikit ako at napalunok. Inihanda ang sarili para sa matamis na halik ko kay Owen. Ramdam ko ang hininga niya maging ang madiin na paglapat ko ng kamay sa leeg niya.

Sana pag dilat ko.. Siya na ang mahal ko.. Mga katagang iniisip ko ng biglang..

"OMG!"
"ANUNG NANGYARE?!"
"BAKIT NAMATAY YUNG MGA ILAW?!"

Sigaw ng lahat at gulat naman ako sa mga sumunod na eksena!

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may humatak sakin! Hindi ako nakagalaw at ramdam ko ang mga kamay niyang nakahawak sa leeg ko! Napalunok ako at biglang bumilis ang pagtambol ng puso ko ng may maramdaman akong nakalapat sa labi ko!

Dama ko ang malambot na bagay sa labi ko. Ang mainit na hangin na tumatama sa bibig ko. Ang balat niyang nakalapat sakin.

SINO TO?!

"Omg!"
"ZOI BREE!"
"WAIT! NAKAKAKILIG!"

Sigawan ng lahat ng biglang magbukas ang ilaw!

Unti unting minulat ni Bree ang mga mata niya samantalang ako ay lalo pang nanlaki ang mga mata sakanya! Halos hindi na ko makahinga ng mapagtanto kong si Bree ang nakahalik sakin ngayun! Ang bilis ng tibok ng puso ko at biglaan kong pamumula! Napahawak ako ng mahigpit sa kamay  niya at agad siyang itinulak.

"A-Anong.." Nauutal na tanung ko.

Wala ito sa script! Bakit ka nandito?!

"BUWAAAHHHH!" Isang malakas na tawa ni Bree at nawindang ang lahat. Napapapikit ako at halos hindi pa rin ako makapagreak. Hindi ko magawang huminahon dahil sa ginawa ni Bree sakin. "Nagulat ka ba ng halikan kita?"

"Ah?"

"Buhay pa ako Prince Phillip." Mariing sabi niya sakin. "Hindi mo ko napatay at hindi hindi mo ko mapapatay para lang sa babaeng yan!" Napaturo si Bree kay Owen na hanggang ngayun ay nakapikit. Hindi ko na alam ang takbo ng istorya dahil biglang siyang sumama. "Sabi ko naman sayo na hindi ko hahayaang mahalikan mo ang taong yan."

"Pinatay na kita! Itinusok ko ang espada sa puso mo pero bakit buhay ka pa Maleficent?!" Mariing tanung ko napalapit na ko sakanya!

"Wala naman akong puso prince Phillip!" Sabi niya sakin at napakunot ang noo ko. "Oo nanghina ako sa pagkawala mo. Nahilo at tumumba nung oras na isinaksak mo sakin ang mga katagang siya pa din ang mahal mo."

Anung sinasabi nitong lalaking to?! Binabago niya ang story ni Sleeping Beauty!

"Anu ang iyong pinapahiwatig?" Tanung ko at biglang napahawak si Bree sakin. Nanlaki ang mga mata ko samantalang seryosong tingin naman ang iginanti niya sakin.

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon