Part 41

92 26 5
                                    

-Bree POV-

Ilang araw naging tahimik ang school ng masuspend si Owen. Hindi magawang tanggalin siya ni papa sa VDR dahil sa posisyon ng papa niya sa Belvedere. Iniingatan kasi ni papa ang samahan sa magkabilang partido.

"Demi.." Mahinang usal ko ng makita ko siya sa gilid at parang may hinahanap. Nasa likod kami ng senior high building at dala ko ang lunch namin. "Demi anun—"

"Nasan na ba kasi siya?" Tanung niya at nagpunta pa siya sa damuhan at may mga puno. Inilibot ang paningin kasunod ng pabalik balik na lakad niya.

"Anung hinahanap mo?" Tanung ko at napalingon siya sakin. Natigilan ako ng makita ang pangingilid ng luha niya! Agad kong ipinatong ang hawak kong pagkain sa gilid at nilapitan si Demi. "Ok ka lang? Anung nangyare?"

"Si Luna kasi.." Malungkot na usal ni Demi at bigla nang tumulo ang luha niya. Lumebel ako sa mga mata niya at kita ko ang kanyang pag-aalala. "Dinala ko siya dito sa school kasi namimiss ko na siya. Tapos nung papakainin ko na si Luna dito bigla na lang siyang nawala."

Napatingin ako sa cat food sa tabi at wala nga itong bawas. Napahinga ng malalim at ibinalik ko ulit ang tingin kay Demi na umiiyak sa pag-aalala sa alaga. "Huwag ka nang umiyak." Sabi ko at napatingin siya sakin. "Tutulungan kitang hanapin si Luna. Baka naglaro lang yun kung saan."

"P-Pero kanina ko p-pa siya hinahanap!" At bigla na siyang humagulgol sa harap ko! Natigilan ako dahil para siyang bata ngayun!

Si Demi na masungit at matapang ay umiiyak dahil sa pusa niyang alaga. Ang cute niya ngayun...

"Demi." Sabi ko at napahawak ako sa mukha niya nagtagpo ang tingin namin at ramdam ko ang mabibigat niyang hininga. "Inhale.." Sabi ko at patuloy ang kanyang pag-iyak. "Exhale"

"S-Si Luna.."

"Shhhh!" Inis ko at natigilan siya. "Inhale.. Exhale.." Dagdag ko at ginawa niya ang sinabi ko. "Hindi tayo papasok next class hanggat hindi natin siya nahahanap."

"T-Talaga?"

"Hmm!" Sabay tango ko. "Kumain ka muna habang hinahanap ko siya. Ayun, pinagbaunan ka ni mama."

"Eh tulungan na ki—"

"ISA!" Sigaw ko at natigilan si Demi. Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya at ngumiti. "Hahanapin ko si Luna at ikaw naman ay kumain ok? Pinagluto ka ni mama kaya kainin mo."

"Pero h-hindi ka kakain?"

"I'm fine. Help me when you're done eating." Sabi ko at napatalikod na ko sakanya.

"Bree." Sabi ni Demi at natigilan ako. Napaharap ako sakanya nang bigla siyang lumapit sakin sabay halik sa pisngi ko! Natigilan ako at napatingin si Demi sa mga mata ko ng seryoso.

"Demi.."

"Saakin ka lang." At biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Lumapit siya sakin sabay lunok ko. "Ikaw at si Luna." Dagdag niya pa at isa pang seryosong tingin ang kanyang ipinakita sakin. "Saakin lang kayo."

"Demi.." Mahinang usal ko at napangiti siya sakin sabay talikod.

Nangatog ang tuhod ko dahilan para mapahawak ako dito! Grabe siya! Nakakatakot siya na nakakakilig! Hindi ko malaman dahil parang papatay siya ng tao kung may mang-angkin samin ni Luna!

Lumipas ang ilang minuto ay pinagpatuloy ko ang paghahanap habang si Demi ay kumakain at nakatingin sakin.

"Luna! Luna! Shu shu shu.." Sigaw ko sabay sipol pa.

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon