Part 54

55 18 3
                                    

*ANG CHAPTER NA TO AY RATED SPG PATNUBAY AT GABAY NI AUTHOR ANG KAILANGAN!* SUPER SPG SYA NEED NG AGE CHECKER DITO! MAG TIGIL ANG MGA AGES 13 AND BELOW AH!! pwede na ang 14 pataas nag aaral na kami niyan ng sex edu!

-Bree POV-

Nagpasya kami ni Demi na sa dorm muna matulog since kinabukasan ay may klase kami. Uuwi na lang ako sa bahay nila mama kapag Saturday and Sunday. Gusto ko rin kasing masundo si Demi tuwing umaga gamit ang bike ko.

"Tss.. Ayaw kasi magpasundo ng nakakotse ako." Mahinang usal ko at napatingin si Demi sakin. "Bakit?"

"Anung binubulong bulong mo dyan?" Tanung niya sakin at napakunot ang noo ko.

"Wala sige matulog ka na. Nandito na tayo sa dorm." Inis ko at napabaling ang tingin ko sa iba. Parehas kaming nakahawak sa doorknob na parang may inaantay mangyare. "Ano? Bakit hindi ka pa pumasok?"

"Wala. Baka may sasabihin ka pa eh." Sagot niya pa sakin at lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Pero sige pasok na ko."

"Tss." at natigilan siya. "Dyan ka matulog at wag sa ibang kwarto!"

"H-Huh?!" At inis na siyang humarap sakin. "At anung tingin mo sakin?! Kung saan saan natutulog huh?!"

"Oh bakit hindi ba?!" Gigil ko at napanguso na ko sa harap niya. Napahinga siya ng malalim at muling humarap sa pinto ng kwarto ni Perry. "Tss. Good night na! I sense you." Natigilan si Demi sa pagpihit ng pinto at muling tumingin sakin. "See you tomorrow, dyan sa kwarto ni Perry. Matutulog na ko. I sense you ulit."

At bigla na kong namula! Nag-init ang tenga ko at agad na kong pumasok sa kwarto!

"Sige, I sen--" Rinig ko ang sabi ni Demi kung kaya't lumabas ulit ako.

"Ano sabi mo?" Tanong ko sakanya pero.. "Tss! Pumasok na siya agad sa kwarto?"

Peste talaga yun! Bakit ba kasi ko pumasok agad?! Hindi ko tuloy narinig yung I sense you back niya!

Napahinga ng malalim at nailibot ang tingin sa kwarto. Napakamot ng ulo kasunod ng pagpunta ko sa cr para mag-shower.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na ako dahilan para pumunta na ako sa kama upang magpahinga. Napasandal sa bed board at napansin ko ang librong nakapatong sa night stand ko.

"Tammy and the magical rose." Pagbabasa ko sa title ng libro.

Ito ang paborito kong libro nung bata pa ako. Iniidolo ko kasi ang lumikha nito. Kakaiba din kasi ang estorya kumpara sa iba. Pinirmahan din ito ng author nang magfieldtrip kami ni Eve sa story telling niya. Ang libro na lagi naming binabasa nung mga bata pa kami.

Marahan kong binuklat ang libro at doon ay nakita ko ang pangalan ko na sinulat ni ate Sam. Ang author ng librong aking hawak.

-Flashback-

-Flashback-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon