Part 39

62 20 10
                                    

-Demi POV-

Ilang araw ang lumipas at uuwi na ako samin. Medyo makirot pa din ang mga paa ko kapag namamali ng tapak pero naiinda ko na ito kumpara sa una.

"Are we going to get your things to your tita Athena or we'll buy you a new one?" Excited na tanung ni mama habang nasa kotse kami. Nagdridrive si papa at kami naman ay nasa likod ni mama.

"Ibaba niyo na lang po ko sa kanto sa bahay nila mamaya. I'll get my things po. You don't need to buy me a new one." Mahinang usal ko at napangiti si mama sakin pabalik.

"Sige kung anung gusto mo." Sagot niya at nahihiya naman akong napangiti sakanya. Napahawak siya sa kamay ko at napahiga pa ang ulo niya sa balikat ko. "I miss you so much, Eve." Natigilan ako at napatingin kay mama. Ngumiti ulit siya sakin at parang hindi niya maalis ang matamis na ngiti sa mukha niya. "Hehe. Sorry. Namiss lang talaga kita."

"Ok lang po ma. Pero di ba sabi ko sayo na Demi na lang." Dagdag ko at napanguso siya sakin.

"Oo nga pala."

"Are we going to Athena pa ba?" Tanung ni papa at napatingin siya sa mirror. "Kasi dito na yung way."

"Yes po pa. Papasok na lang dy—"

"I know, I know." Sabay ngiti ni papa at natigilan ako. "How's aling Nena? Lola na ba yun?"

"Hala?! Kilala niyo po si tandang Nena papa?!" Gulat ko at napalapit ako sa upuan niya sabay silip.

"Haha oo naman! Yung aling laging naniningil ng upa?" Tanung niya at napatingin siya sakin. "Si Aling Nena na may mga gangster na anak?"

"Opo! Si kuya Keanu you mean?" Tanung ko at nagtawanan na kami.

"I lived there with your tito Liam and King Aeson." And his story gets interesting na. Napalapit pa ako kay papa na masayang nagkukwento sakin. "Alam mo ba kung anung ginawa nun kay King Aeson dati?"

"Ano po pa?" tanung ko na natatawa na. I know aling Nena in a while kaya hindi na ko magtataka kung sinipa niya si King Aeson dati.

"Ipinatapon lang naman niya si King Aeson sa labas ng bahay namin gamit ng isang Gangster na kaibigan ng anak niya." Natatawang sabi ni papa. "Kwento yun ni Liam sakin dati at halos humagalpak ako ng tawa kasi--"

"Biglang dumating si Queen Aitana at siya ang nagbayad ng upa nilang tatlo." Singit ni mama at napalingon ako sakanya.

"A-Alam niyo po?" tanung ko at ngumiti na siya sakin.

"Oo naman. Nandun ako eh." Sabi ni mama at natigilan si papa.

"Nandun ka?"

"Yes. Assistant ako ni ms. Aitana. Kaya nakita ko lahat." Sabi ni mama.

"So kaya po kayo nagkabalikan ni papa dahil nagkita po kayo doon.." Papahinang sabi ko ng biglang magkrus ng kamay si mama at inis nang tumingin kay papa.

"Hindi kami nagkita ng papa mo Eve." Seryosong usal niya at napatingin siya sakin. Biglang nabalutan ng tensyon ang buong kotse. Pinagpawisan ng malala si papa at pansin ko ito.

"B-Bakit po?" nauutal na tanung ko.

Inis na sinipa ni mama ang upuan ni papa at biglang napanguso naman si papang lumingon samin. "Bakit?"

"Sagutin mo tanung ng anak mo!" Mariing sabi ni mama at nagpabalik balik na ang tingin ko kay mama at papa. "San ka daw nagpunta nun."

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon